Ex-Sen. Jinggoy Estrada, arestado dahil sa umano'y paglabag sa ECQ regulations

Ex-Sen. Jinggoy Estrada, arestado dahil sa umano'y paglabag sa ECQ regulations

- Inaresto si Dating Senador Jinggoy Estrada ng mga pulis sa San Juan City matapos umano itong lumabag sa ECQ protocols

- Ayon sa mga ulat, nasa gitna ng pamamahagi ng relief good ang dating mambabatas nang arestuhin ito

- Ayon sa pulisya, walang quarantine pass at clearance mula sa local government unit ang dating senador nang mamahagi ito ng relief goods

- Iginiit naman ng dating senador na nakasuot sya ng face mask at personal protective equipment

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado si ating Senator Jinggoy Ejercito sa San Juan City matapos umanong lumabag ang dating mambabatas sa enhanced community quarantine (ECQ) protocols.

Namimigay umano ng relief goods si Ejercito nang arestuhin ng mga pulis. Pahayag naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora, inisyatibo ng pulisya ang ginawang pag-aresto sa dating senador.

Ayon sa otoridad, ilan sa nilabag nito ay ang pamamahagi ng elief goods kahit walang quarantine pass at clearance mula sa local government unit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman sa dating senador, nakasuot sya ng face mask at personal protective equipment habang namimigay ng relief goods.

Hindi din umano nasunod ang social distancing sa nasabing aktibidad ayon sa San Juan City mayor.

Kasalukuyan nang nakipag-ugnayan ang ama ng dating senador na si dating Pangulong Joseph Estrada sa istasyon ng pulis ayon sa ulat ng Bombo Radyo Philippines.

Si Jinggoy Estrada o si Jose Pimentel Ejercito Jr ay isang politiko, aktor at producer. Naging Vice Mayor siya ng San Juan noong 1988 at nagsilbi bilang sendaor sa loob ng dalawang termino mula 2004 hanggang 2016.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel