Good news! 43 probinsya sa bansa, dalawang linggo nang COVID-free

Good news! 43 probinsya sa bansa, dalawang linggo nang COVID-free

- Ilang mga probinsya na ang walang naitatalang bagong kaso ng COVID-19

- Mula Abril 18 hanggang Mayo 1, walang nang karadagang kaso pa ng COVID-19 sa nasa 43 na mga probinsya sa bansa

- Kasalukuyan pa ring naka-enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilang mga lugar sa bansa kung saan mataas pa rin ang bilang ng COVID-19 cases

- Ang ilang lugar naman sa bansa ay nasa general community quarantine na mula noong Mayo 1 at tatagal hanggang Mayo 15

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

43 na mga probinsya sa bansa ang wala nang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang linggo.

Kinumpirma ito ng Department of Health kung saan mula noong Abril 18 hanggang Mayo 1 ay masasabing COVID-free na mga sumusunod na mga probinsya:

Agusan del Sur, Aklan, Apayao, Aurora, Basilan, Batanes, Biliran, Bohol, Bukidnon, Camarines Norte, Camiguin, Capiz, Compostela Valley, Cotobato at Davao Occidental.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayundin sa Davao del Norte, Davao Oriental, Dinagat Islands, Eastern Samar, Guimaras, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, Lanao del Norte, Maguindanao, Masbate, Mountain Province, Misamis Occidental, Negros Oriental at Northern Samar base sa listahang binahagi ng Philippine Star.

Pag-asa ang hatid ng mga probinsyang ito na pananatilihan na lamang na COVID-free ang kanilang lugar sa pamamagitan ng wastong pag-iingat at pagsunod sa mga tagubilin ng DOH.

Kasalukuyan pa ring naka-enhanced community quarantine ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan, Benguet kabilang na ang Baguio, Iloilo, Cebu City, Bacolod City at Davao City.

Ang mga lugar na di nabanggit at sasailalim naman sa general community quarantine kung saan mas maluwag ag ilang patakan kumpara sa ECQ.

Narito ang mga alituntunin ng GCQ na binahagi naman ng CNN Philippines:

Base sa huling tala ng DOH, 90 na ang naitalang recoveries ngayong araw Mayo 4 na nagbigay pag-asa sa marami.

Lumiit na rin ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus subalit patuloy pa ring sinusubaybayan ang karadagang kaso na umabot na sa 9,223 ngayong araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel