Matandang hindi napasama sa SAP, mangangalakal na lang para makabili ng pagkain

Matandang hindi napasama sa SAP, mangangalakal na lang para makabili ng pagkain

- Isang matanda ang umantig sa maraming netizens dahil sa kanyang pagsisikap upang makahanap ng pambili ng pagkain

- Ayon sa viral video na ngayon ay kumakalat sa social media, isa ding senior citizen ang kasama niya sa bahay

- Gayunpaman, hindi sila napasama sa mabibigyan ng pera mula sa Social Amelioration Program ng DSWD

- Matapos mapanood ang kahabag-habag na kalagayan ng matanda, mayroong nagmagandang loob na magbibigay ng P5,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang matandang babae sa Brgy. Tipo, Hermosa Bataan ang umano'y mangangalakal na lamang matapos hindi mapasama sa ayuda ng pamahalaan sa pamamagitan ng Social Amelioration Program ng DSWD.

Sa live Facebook video na ibinahagi ni Jham Mhumai, makikitang may bitbit na sako ang matanda na tila buo na ang loob na mangalakal para may pambili ng pagkain nila ng kanyang asawang isa ding senior citizen.

Gayunpaman, dahil sa awa, may ilang nagmagandang loob para hindi na suungin ng matanda ang tirik na araw para lang magkapera.

Pansamantalang binigyan muna siya para may pagkain silang mag-asawa. Mayroon ding nangakong magbibigay ng perang nagkakahalaga ng P5,000 para sa matanda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang matapos isailalim sa community quarantine ang iba't-ibang lugar sa buong bansa, naging limitado na ang paghahanap-buhay ng mga tao kaya nagbigay ng tulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng programang Social Amelioration Program mula sa DSWD.

Ayon sa unang mga anunsiyo, uunahing bibigyan ng tulong ang mga pinakanangangailangan.

Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, ipinatupad ang lockdown sa maraming bansa sa iba't-ibang panig ng mundo. Ito ay upang maiwasang lalong dumami ang mahawa ng Coronavirus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel