PWD na wala umanong pambili ng mask, ibinili ng police trainee imbis na hulihin

PWD na wala umanong pambili ng mask, ibinili ng police trainee imbis na hulihin

- Viral ang video ng isang pulis trainee na nagawa pa umanong tulungan ang isang lalaking walang mask

- Sinita niya umano ito dahil mahigpit na ipinagbabwal ang paglabas ng bahay na wala umanong suot na face mask

- Nang malaman ng police trainee ang dahilan bakit walang mask ang lalaki, hindi na niya ito hinuli

- Ibinili pa niya ito upang may magamit at dahil dito, hinangaan siya ng maraming netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang ginawa ng isang police trainee sa Sipocot, Camarines Sur kung saan imbis na hulihin ang lalaki na walang mask ay kanya pa umano itong tinulungan.

Sa ulat ng GMA news, sinita umano ni police trainee Rodel Nuyles ang lalaki na nakapila sa money remittance center dahil wala itong suot na face mask.

Doon nalaman niyang isa pala itong person with disability (PWD) ang lalaki.

Imbis na hulihin, ibinili pa ni Nuyles ang PWD na wala raw pambili ng mask kaya wala itong maisuot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahigpit kasing ipinagbabawal ang walang suot na face mask lalo na kung lalabas ng bahay. Isa umano itong mainam na proteksyon laban sa COVID-19.

Dahil sa nakunan ng CCTV ang kabutihang ginawaa ni Nuyles, binahagi ito sa social media upang magbigay aral at inspirasyon.

"Sa lahat po ng naka-appreciate ng ginawa ko. Sana ma-inspired po kayo at salamat po sa inyong lahat," pahayag ni Nuyles.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel