Pinakabatang COVID-19 patient sa Bataan, naka-recover

Pinakabatang COVID-19 patient sa Bataan, naka-recover

- Viral ang video ng pag-uwi mula sa ospital ng pinakabatang COVID-19 survivor sa Bataan

- Magdadalawang buwang gulang palang ang baby na naka-recover sa nakamamatay na virus

- Bitbit ng kanyang ama, masayang namaalam ang medical workers ng Mariveles District Hospital sa baby na matapang na nalabanan ang kinatatakutang sakit

- Naging emosyonal pa ang iba sa labis na tuwa at isang buhay na naman ang kanilang naisalba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakatunaw ng puso ang video ng pagu-uwi mula sa ospital ng pinakabatang COVID-19 survivor sa Bataan.

Binahagi ng frontliner na si Gail Garino ang video kung saan masaya silang namaalam sa sanggol na magdadalawang buwang gulang pa lamang.

At tulad ng ginagawa sa mga COVID-19 survivors, naghanda ng munting handog ang mga medical workers ng Mariveles District Hospital para sa sanggol na napagtagumpayan ang pakikipaglaban sa virus.

Maririnig pa sa video na ang ilan ay naging emosyonal sa labis na tuwa dahil isang buhay na naman ang kanilang naisalba.

Ang mga sanggol na tulad nito ay naiiwan lamang sa pangangalaga ng health workers sa ospital gayung bawal silang alagaan ng mga magulang o kaanak.

Malaki kasi ang posibilidad na mahawa rin ang mag-aalaga sa kanila kaya naman ganoon na lamang ang hirap na mawalay sila sa kanilang mga magulang habang nakikipaglaban pa sa karamdamang walang tiyak na lunas.

Maging ang mga netizens ay natuwa sa paggaling ng sanggol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Thank You Lord, ligtas si baby..."
"Nakakaiyak, you have a brave soul little one"
"God is amazing! binigyan pa niya ng chance si baby na mabuhay"
"Sobrang saya siguro ng parents niya... ang sobrang proud sa baby nilang tinalo ang COVID-19"
"Parang nabunutan ng tinik ang parents ng baby na ito. Thank you Lord"

Di nalalayo ang kwentong ito sa emosyonal na video ng apat na buwang gulang na sanggol COVID-19 survivor din ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Sa naunang ulat ng KAMI, sapul sa video ang nakakaiyak na tagpo kung saan muling nakarga at nayakap ang kanyang anak na naka-recover sa nakamamatay na virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! |

Source: Kami.com.ph

Online view pixel