Asawang nanggagalaiti sa galit, pinagsasaksak ang motor ng kanyang asawa

Asawang nanggagalaiti sa galit, pinagsasaksak ang motor ng kanyang asawa

- Isang asawa ang nakuhanan ng video na sinasaksak ang motorsiklo ng kanyang asawa

- Hindi man nasabi ang dahilan kung bakit ginawa iyon ng babae, tila may matinding dahilan ito

- Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa netizens ang nasabing video na umani na ng libo-libong views

- Iba't ibang espikulasyon din ang nabuo sa posibleng dahilan kung bakit nagalit ang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral sa social media ang video ng isang babaeng tila galit na galit habang pinagsasaksak ang isang motorsiklong posibleng pagmamay-ari ng kanyang asawa.

Umani ng mga reaksiyon at espikulasyon ang nasabing video dahil sa tila masidhing galit ng babae.

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na The Chef Rider, makikita ang babaeng nakasuot ng dilaw na damit habang walang humpay na pinagsasaksak ang motorsiklo. Marami ang naniniwalang pagmamay-ari ito ng kanyang asawa o karelasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umabot na sa mahigit isang libo ang views ng nasabing video at marami ang nakapagbigay ng kanilang komento hinggil dito:

Kawawa naman un motor d b nadala ng maaga s mekaniko dami tama over kill na yan. Hustisya naman po pls
Dapat di ginaganyan ang motor or ano pang bagay. pinaghirapan yan. sayang yung iba nga naghihirap para lang makabili ng bike. kung mag aaway hindi dapat sinasali ang mga bagay....tapos pag mag ayos na kayo dagdag nanaman yung problema dahil sira yung motor lalo na kung ginagamit sa work.. Sayang.
Bakit kaya sinaksak ang motor.baka may sinasakay si kua jang iba kaya ung motor pinag diskitahan

Ayon sa mga datos na inilabas ng United Nations, tumaas ang bilang ng domestic violence nang isailalim sa lockdown ang iba't-ibang lugar sa buong mundo. Marami din umano ang nag-aaway na mag-asawa dahil sa mas matagal na pagsasama sa loob lamang ng bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel