Babaeng kakapanganak lang, emosyonal na naglabas ng saloobin matapos palayasin umano sa inuupahan

Babaeng kakapanganak lang, emosyonal na naglabas ng saloobin matapos palayasin umano sa inuupahan

- Viral sa Facebook ang video ng isang inang naiiyak habang naglalabas ng kanyang saloobin

- Pinalayas umano siya sa kanilang inuupahang bahay dahil sa hindi siya nakapagbayad ng isang buwang upa

- Ikinandado umano ang kanilang tinitirhan at naiwan doon ang kanilang mga gamit

- Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal ang mamilit ng paniningil sa upa dahil sa umiiral na enhanced community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ina ang naiyak sa sama ng loob dahil sa ginawa umano ng may-ari ng bahay na kanilang inuupahan. Ayon sa Facebook post ng Gabriela South Caloocan, nangyari ang insidente sa zone 14 Brgy 162 Caloocan City.

Hindi umano nakabayad ng isang buwang upa ang babae habang ang kanyang asawa ay ginugunita ang Ramadan.

Ang inang nakilala sa pangalang Jammy Wolfsburg ay isang breastfeeding mom kaya marami ang nabahala sa kalagayan nilang mag-ina.

Ayon pa sa nasabing Facebook post, sinigawan minura at pinosasan si Jammy. Ikinandado umano ang kanilang tahanan at kasalukuyang nakikitira ang mag ina sa kabilang barangay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng mga netizens sa video na ito:

Pwede po yan ereklamo labag yan sa batas sa panahon ng ganitong sitwasyon. Hindi na kau naawa sa mag ina.
Grabe nman walang patawad. Kami nga 4 na kwarto walang nag bayad pero di kami nagalit kasi krisis ngayon..
Konsiderasyon naman po sana mga mam/sir sa bagong panganak, kapag pinaalis nyo po ba sila sa tingin nyo may lilipat po agad jan? Sana naman tumulong nalang po muna kayo sa ganitong paraan kahit papaano sana ay maipakita niyo na may malasakit po kayo.

Matatandaang nauna nang nagbigay ng babala ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpapaupa na huwag piliting makapaningil ng upa ngayong panahon ng krisis.

Dahil sa kasalukuyang pandemya, isinailalim ang maraming lalawigan sa quarantine upang mapigilan ang paglaganap ng Coronavirus. Dahil dito, marami ang nawalan ng hanapbuhay kaya tanging sa ayuda ng pamahalaan na lamang umaasa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel