Babaeng nangarap na makahanap ng lunas laban sa coronavirus, viral sa social media

Babaeng nangarap na makahanap ng lunas laban sa coronavirus, viral sa social media

- Viral ngayon sa social media ang yearbook picture ng isang babae na nailabas limang taon na ang nakakalipas

- Nakalagay sa kanyang pangarap na nais niyang makahanap ng lunas laban sa Coronavirus

- Matapos ang limang taon, isa nang lisensiyadong medical laboratory scientist ang babae at maaring matupad ang kanyang pangarap

- Kasalukuyan pa ring hinahanapan ng lunas ang Coronavirus na sanhi ng pandemyang COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang yearbook picture ng isang babae na nakuhanan limang taon na ang nakakalipas. Makikita sa nasabing yearbook na pangarap niyang makahanap ng lunas laban sa Coronavirus.

Matapos ang limang taon, pumasa siya sa licensure exam para maging ganap na medical technologist. Makikita sa kanyang social media account na isa siyang medical laboratory scientist.

Marami ang kasalukuyang nag-aabang ng makakatuklas ng lunas laban sa virus na ito na ngayon ay namiminsala sa iba't-ibang bansa sa buong mundo.

Nauna na ring inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay sila ng pabuyang pera para sa makakahanap ng lunas sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang yearbook picture na ito ni Nicole Rhoda E. Glory lalo pa at pinangarap niya nang makahanap ng lunas laban sa COronavirus, hindi pa man nangyari ang pandemyang dulot nito ngayon.

Ang COVID-19 o Coronavirus disease 2019 ay pinaniniwalaang nagsimula sa Wuhan, China kung saan libo-libo din ang nasawi. Matapos ang halos dalawang buwan ng pagsasailalim sa lockdown, unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay ng mga tao sa nasabing probinsiya ng China.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel