81-anyos na Pinoy doctor sa Las Vegas, pumanaw dahil sa COVID-19

81-anyos na Pinoy doctor sa Las Vegas, pumanaw dahil sa COVID-19

- Pumanaw ang 81-anyos na Pinoy na doktor sa Las Vegas na tinamaan ng COVID-19

- Hanggang sa kanyang mga huling araw, patuloy pa rin ang kanyang serbisyo sa paggagamot

- Ayon sa kanyang mga anak, wala pa itong balak magretiro kung hindi pa ito tinamaan ng naturang virus

- Nag-positibo rin ang kanyang dalawang medical assistants sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw ang isa sa mga kahanga-hangang Pinoy doctor sa Las Vegas na si Dr. Arthur Tayengco dahil sa COVID-19 nitong Abril 22.

Ayon sa ulat ni Christina M. Oriel ng Asian Journal, nasa ikalawang linggo ng Marso nang nagkaroon ng sintomas ng virus ang 81-anyos na doktor.

Agad naman itong nakapagpa-test, at doon nakumpirmang tinamaan nga siya ng COVID-19.

Mula noon ay naka-home quarantine na ang doktor.

Maging ang dalawang medical assistants niya sa kanyang private clinic ay nag-positibo rin sa naturang virus

Abril 9, tinawagan niya ang dating asawa na malapit naman niyang kaibigan na si Delia Tayengco at nagpadala na umano ito sa ospital.

Matapos ang nasa 16 araw na pakikipaglaban sa COVID-19, binawian na rin ng buhay ang doktor.

81-anyos na Pinoy doctor sa Las Vegas, pumanaw dahil sa COVID-19

source: Michele Tayengco
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ng kanyang anak na si Michele Tayengco, wala pa umano talagang balak magretiro ng kanyang ama.

“He loved medicine. He just wouldn’t stop. I kept asking, ‘Don’t you want to retire yet?’ He would say, ‘No, I’m not done,’" pahayag ni Michele.

Mahigit na 50 taon nang nasa serbisyo si Dr. Arthur bilang obstetrician-gynecologist at nakalulungkot lamang isipin na ang bangis ng COVID-19 lamang ang nakapagpahinto sa kanya sa mahal niyang tungkulin.

Sa Pilipinas, umabot na sa mahigit 400 mga doktor ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa CNN Philippines.

Karamihan sa kanila ay mga medical frontliners at ang ilan naman ay mga dalubhasa sa kani-kanilang mga larangan.

Ayon pa sa Department of Health, mabilis na tumaas ang bilang ng mga health workers na nagkakaroon ng virus mula pa noong unang linggo ng Abril hanggang sa kasalukuyan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel