Babaeng di lumalabas ng bahay mula Marso 13, lumabas pa ring positibo sa COVID-19

Babaeng di lumalabas ng bahay mula Marso 13, lumabas pa ring positibo sa COVID-19

- Isang babae ang nagpositibo sa COVID-19 kahit na hindi raw siya lumalabas sa kanilang bahay mula pa noong Marso 13

- Abril 25 nang magawan siya ng swab test dahil kinailangan niyang magpa-ospital at siya ay nakunan

- Laking gulat niya nang malaman ang resulta lalo pa at wala siyang anumang nararamdamang kakaiba kaya maituturing siyang asymptomatic

- Dahil dito, kanya umanong napagtanto na maaring marami pa ang tulad niyang walang sintomas ng virus ngunit hindi lamang nati-test dahil sa ang prayoridad lamang ay ang mga litaw na ebidensyang tinamaan sila ng COVDI-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 40-anyos na ginang sa Quezon City ang lumabas na positibo sa COVID-19 kahit mahigit na isang buwang na siyang hindi umaalis ng bahay.

Binahagi ni Jaye de la Cruz-Bekema ang nakakagulat niyang sitwasyon kung saan wala siyang kaalam-alam na isa pala siyang COVID-19 carrier.

Abril 25 daw nang makunan ng swab test si Jaye sa St. Luke's Medical Center. Isinagawa ito bilang protocol ng ospital kahit na ang kanyang ipinunta roon ay dahil sa nakunan siya.

Kampante naman daw ang kanyang loob na negatibo siya sa virus lalo pa at matindi ang kanyang pag-iingat na ginagawa at Marso 13 pa nang huli siyang lumabas ng kanilang bahay.

Wala rin umano siyang anumang nararamdamang sintomas ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw pa niya na ang kanyang mister ang lumalabas para sa kanilang grocery at ang huling beses na lumabas ito ay dalawang linggo bago siya ma-test noong Abril 25.

Nangangahulugang 14 na araw na itong nasa bahay at wala ring pinakitang sintomas lalo pa na ito ang sinasabing sapat na araw upang malaman kung mayroon ka na ng kinatatakutang virus.

Dito umano niya napagtanto na malaki ang posibilidad na marami pang tulad niya na asymptomatic at hindi lamang nati-test. Sa ngayon, ang prayoridad ng bansa na magawan ng test ay ang mga pasyenteng mayroong sintomas ng virus.

Samantala, dumaan na rin sa swab test ang kanyang mister, anak at kasambahay na pawang naka-self quarantine.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel