Sen. Sonny Angara, nagpositibo muli sa COVID-19 isang buwan matapos maka-recover

Sen. Sonny Angara, nagpositibo muli sa COVID-19 isang buwan matapos maka-recover

- Kinumpirma ni Senator Sonny Angara na muli siyang nagpositibo sa COVID-19

- Magdo-donate muli sana siya ng plasma na nakatutulong umano sa paggaling ng mga pasyenteng tinamaan ng virus nang sabihin ng kanyang doktor na muli siyang nag-pisitibo

- Lumabas naman na negatibo sa virus ang kanyang misis na si Tootsie

- Balik isolation siya tulad nang dati na isa sa pinakamahirap na bahagi ng pagkakaroon ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nag-positibo sa COVID-19 si Senator Sonny Angara makalipas ang ilang linggo mula nang siyang maka-recover sa naturang virus.

Sa kanyang opisyal na pahayag sinabi nitong magdo-donate muli sana siya ng plasma na makatutulong sa paggaling ng mga pasyenteng may COVID-19 nang sabihin ng kanyang doktor na tinamaan muli siya ng virus.

Ayon pa sa kanyang doktor, maaring kaya siya nagpositibo muli ay dahil sa mga natira pang bakas ng virus sa kanyang katawan.

Ngunit para sigurado, balik isolation muli ang senador para na rin sa kapakanan ng kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lumabas namang negatibo ang kanyang misis na si Tootsie sa isinagawang test.

Bilang bahagi ng protocol at quarantine guidelines, hindi na rin siya pisikal na dadalo ng mga pulong ng senado.

Gagawin na lamang ito sa pamamagitan ng teleconferencing upang magampanan pa rin niya ang kanyang tungkulin at mapagsilbihan pa rin ang bansa sa panahon ng pandemya.

Matatandaang nakapag-donate na ng plasma ang senador nang maka-recover siya sa COVID-19 noong Abril 13.

Marso 30 nang ibinahagi niya ang kanyang larawan na nakaka-recover na siya sa naturang virus.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Sen. Angara:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel