Pinoy nurse sa UK na tinamaan ng COVID-19, nakantahan pa ng ina bago pumanaw

Pinoy nurse sa UK na tinamaan ng COVID-19, nakantahan pa ng ina bago pumanaw

- Binahagi ng kapatid ng nurse na nasa UK ang emosyonal na tagpo kung saan nakantahan pa umano ng kanyang ina ang kuya na noo'y nakikipaglaban sa COVID-19

- Ibinalita pa umano sa kanila ng kanyang kuya na isa raw siyang frontliner sa kanilang ospital

- Hindi nagtagal, ang sunod nang binalita ng kanyang kapatid ay nang makaramdam na umano ito ng pag-ubo at lagnat na ilan sa sintomas ng COVID-19

- Hanggang sa nalaman na lang nila sa isa sa mga kaibigang nurse ng kanyang kuya na nalagyan na umano ito ng tube support at nasa ICU na rin

- Sa huling sandali nito, nakita pa rin siya ng kanyang pamilya wala man sila sa kanyang tabi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Ezel Lambatan ang larawan ng ina na kinakantahan ang kanyang kuya na si Kenneth Lambatan na nakikipaglaban pa para sa kanyang buhay kontra COVID-19.

Kwento ni Ezel, tatlong linggo lamang ang nakararaan nang ibinalita ng kanyang kuya Kenneth na isa siya sa mga frontliners na maa-assign sa isang ospital sa United Kingdom.

Ang sumunod na nitong binalita sa kanyang pamilya sa Pinas ay ang kanyang pag-ubo at lagnat na ilan sa mga sintomas ng COVID-19.

Dahil dito, hindi na naiwasang mag-alala ng kanilang ina.

Hanggang sa nabalitaan na lamang nila sa isa sa mga malalapit na katrabaho ng kanyang kuya na nasa Intensive Care Unit (ICU) na ito at may tube support na rin. Tinamaan na ito ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinapat na rin umano sila ng mga doktor ng kapatid na hindi na maganda ang lagay nito at talagang hirap sa kanyang sitwasyon.

Iyon daw ang pinakamahirap na desisyon sa kanila sapagkat kinailangan na raw tanggalin ang kanyang breathing apparatus.

Nagawa pa umanong makantahan ng kanilang ina ng worship songs sa video call ang kanyang kuya at nabasahan din niya ito ng mga bible verses bago ito malagutan ng hininga.

“Thank God for video chat, we were able to see him until his last breath even tho we were not physically there," ayon pa kay Ezel.

Narito ang nakakadurog ng pusong tweet ni Ezel:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel