Sekyu na nagpaanak sa buntis sa daan, umani ng papuri mula sa netizens

Sekyu na nagpaanak sa buntis sa daan, umani ng papuri mula sa netizens

- Isang security guard sa Taguig ang tumulong na magpaanak sa isang buntis sa daan

- Bibili lamang daw ito ng alcohol nang makaramdam ng pagkirot ng kanyang tiyan

- Hindi na nito napigilan ang paglabas ng sanggol kaya naman umalalay na ang security guard

- Matagumpay na nailabas ang bata kaya naman laking pasasalamat ng ginang sa sekyu na hindi sila iniwang mag-ina hanggang sa dumating ang ambulansya na magdadala sa kanila sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang pagtulong ng isang security guard sa buntis na bigla na lamang umanong napaanak sa kalsada nitong Abril 29 sa Taguig City.

Nakilala ng Radyo Singko 92.3 News FM ang sekyu na si Niel Atibagos na noo'y duty sa AFPOVAI Subdivision.

Napadaan ang ginang na bibili lamang sana ng alcohol nang makaramdam na ito ng pagkirot ng sinapupunan.

Ayon sa One Cavite, Hindi na nito napigilang mapaanak at agad namang sumaklolo ni Atibagos.

Makikita sa larawan na hindi iniwan ng sekyu ang mag-ina hanggang sa dumating na ambulansiya na magdadala sa kanila sa Army General Hospital.

Proud ang uploader na si Lovely Ramos sa ginawa ng guard dahil naging matagumpay ang panganganak ng ginang sa isang malusog na sanggol.

Maging ang mga netizens ay humanga sa ginawa na ito ng guwardiya na higit pa sa kanyang tungkulin ang naitulong nito sa mag-ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"May God bless keep and guide you always Sir isa kang mabuting mamamayan. we salute you po!"
"Kuya proud po ako sa inyo isang buntis din po ako sana lahat ng tao ganyan may mabuting loob at handang tumulong. God bless you po sayo kuya ang Diyos na ang bahala po sa inyo"
"Good job kuya GodBless.nakakatuwang isipin na may mga taong gamito pa sa oras ng pangangailangan.tulungan talga ang ating kailangan sa panahon ngayon.alisin natin ang pagiging makasarili at maging mapagkumbaba tayo sa Diyos."
"Saludo ako sa tapang at galing mo Sir.God bless to the mother and baby."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel