74-anyos na naka-recover sa COVID-19, napatayo at napa-indak sa sobrang kagalakan

74-anyos na naka-recover sa COVID-19, napatayo at napa-indak sa sobrang kagalakan

- Napatayo at napaindak ang 74-anyos na COVID-19 survivor

- Kasabay niya ang kanyang anak na naka-recover din sa bagsik ng virus

- Nagulat ang hospital staff sa ginawa ng lolo lalo na at hindi pa ito ganoon kalakas

- Paraan ng pasasalamat daw niya ito sa Panginoon dahil sa kanyang paggaling sa tulong na rin ng mga kumalinga sa kanilang medical frontliners

- Ngunit sa kabila nang kasiyahang ito, kamamatay lamang pala ng kanyang misis dahil COVID-19 at ito ang nakahawa sa kanilang mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa nang makita ang video ng 74-anyos na si Sotero Agot na nagawang magsasayaw sa sobrang kasiyahan at naka-recover siya sa COVID-19.

Binahagi ng Mary Johnston Hospital ang orihinal na post ni Jane Callins Dispo Talampas kung saan makikita sa video si Tatay Sotero na napatayo sa kanyang wheelchair bago tuluyang ma-discharge sa nasabing ospital.

Kasama niya roon ang anak na si Joseph Agot na naka-recover din sa COVID-19.

Sa saliw ng "Fight Song" na nagmistulang theme song ng mga nakaka-recover sa virus na ito, ginulat ni Tatay Sotero ang mga medical staff ng Mary Johnston Hospital sa kanyang pag-indak.

Hindi raw inaasahan ng mga health workers na magagawa ito agad ng matanda lalo pa at hindi pa ito ganoon kalakas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman sa kay Tatay Sotero, ito raw ang paraan ng pasasalamat niya sa Panginoon sa kanyang paggaling sa tulong na rin ng mga nagmalasakit sa kanila na mga frontliners.

Subalit sa kabila pala ng kasiyahang ito, kamamatay lamang pala ng kanyang misis dahil sa COVID-19. Ito raw ang nakahawa sa kanilang mag-ama.

Ang kanya namang anak na si Joseph ay wala ring mapagsidlan ang kaligayahan dahil bukod sa nalampasan niya ang bagsik ng COVID-19, kagagaling lang din nito sa thyroid cancer.

Sa dami ng pinagdaanan ng pamilya nina Tatay Sotero at Joseph, talaga nga namang mapapasayaw sila dahil kinaya nila ang mga pagsubok at nabigyan pa sila ng pagkakataong mabuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Si Kimberly ay isang nurse sa Bacolod, isa siya sa mga frontliners na binubuwis ang buhay araw-araw. Narito ang kanyang masasabi sa nararamdaman ng mga frontliners tulad niya.

Filipino nurse: "We actually don't want to become heroes" | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel