Lalaking naglagay ng silya sa labas para magpahangin, ginaya ng mga kapitbahay

Lalaking naglagay ng silya sa labas para magpahangin, ginaya ng mga kapitbahay

- Viral ang post ng isang lalaking naglagay ng upuan sa labas ng kanilang bahay at ginaya naman ng kanyang mga kapitbahay

- Nilagay daw ito ng lalaki upang magpahangin at nang siya ay bumalik, mayroon na ring mga upuan na nakalabas sa kanyang mga kapitbahay

- Inakala raw ng mga ito na may ayudang darating kaya marahil nagsilabas din ang mga ito ng upuan

- Ang paglalabas ng upuan ay ginagawa sa pamimigay ng relief goods upang maisagawa pa rin ang social distancing na mahalaga ngayon sa panahon ng kasagsagan ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng netizen na si Kinshi Morfe tungkol sa kakatuwang nangyari nang maglabas siya ng upuan sa kanilang bahay.

Ayon kay Kinshi, magpapahinga lamang sana siya sa may labas lang mismo ng kanilang gate.

Pumasok lamang daw siya saglit upang magpalit ng damit. Pagbalik niya nagulat na lamang siya nang nakalabas na rin ang mga upuan ng kanyang mga kapitbahay.

Makikita sa binahagi niyang larawan na may mga upuan na nga sa tapat mismo ng mga bahay sa kanilang kalsada.

Inakala marahil ng mga ito na mayroong ayudang ipamamahagi kaya naglabas din sila ng upuan.

Marami namang netizens ang naaliw sa post na ito at sinabing alerto ang mga kapitbahay ni Kinshi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kala Kasi nila lagayan ng ayuda ang inilabas mo, hihi"
"Ay alert ang mga kapitbahay kahit bawal lumabas nakakasilip, lakas ng radar"
"Yung di mo sinasadya na i-prank ang mga kapitbahay mo hahahaha"
"Kala nila may pang-ulam na sila sa araw na yun, na-wow mali mo pa"
"Hahaha, ayos to! magawa nga sa amin"

Ang paglalabas ng silya sa labas ng bahay ay isang paraan ng pagsasagawa ng social distancing habang namimigay ng ayuda sa bawat bahay.

Ginagawa ito bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Si Kimberly ay isang nurse sa Bacolod, isa siya sa mga frontliners na binubuwis ang buhay araw-araw. Narito ang kanyang masasabi sa nararamdaman ng mga frontliners tulad niya.

Filipino nurse: "We actually don't want to become heroes" | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel