Food delivery man na sardinas ang kinakain, pumukaw sa atensyon ng netizens

Food delivery man na sardinas ang kinakain, pumukaw sa atensyon ng netizens

- Viral ang larawan ng isang food delivery man na kumakain ng pananghalian

- Matapos daw kasi nitong mag-deliver na masasarap na pagkain, sardinas ang ulam niya sa pananghalian

- Natunaw ang puso ng netizens at nais na matulungan sana ang delivery man

- Karamihan naman ay sumaludo sa kasipagan ng mga ito na sa kasagsagan ng pandemya, matiyaga silang naghahanapbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-atensyon ang post tungkol sa isang food delivery man na kumakain ng sardinas sa pananghalian.

Binahagi ng netizen na si Reneboi Caudillosa sa Facebook page “LTO alert 143 Bacolod” ang larawan ng Food Panda delivery man na ito na tahimik na kumakain sa ilalim ng puno.

Ayon sa mga netizen, nakakadurog ng pusong isipin na matapos na magdeliver ng lalaking ito ng masasarap na pagkain at inumin, masinop niyang kinakain ang nakayanan na tanghalian.

May ilang nagsabi pa na sana'y huwag pagdamutan ang mga ito sa tip nang sa gayon ay maayos ding makakain ang mga tulad ng delivery man.

Dagdag pa ng netizens, maitututring din na mga frontliners ang tulad ng empleyado na ito ng Food Panda dahil isa rin siya sa buwis buhay na lumalabas at matiyagang pumipila para lamang makapaghatid ng pagkain sa mga taong nananatili sa kanilang mga bahay.

Food delivery man na sardinas ang kinakain, pumukaw sa atensyon ng netizens

source: LTO alert 143 Bacolod
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hinangaan din ang rider na ito dahil sa kasipagang pinakikita niya sa kasagsagan ng pandemya.

Minsan na ring nakunan muli ito ng larawan ng kumakain naman sa labas ng isang fast-food chain kasama ang kapwa niya mga delivery man.

Binahagi naman ito ni Gio Ramento Regondola at tinawag pa niya ang mga delivery men na mga "modern-day unsung heroes."

Kumakain na ito ng Jollibee na ikinasiya naman ng netizens na nakakita. Sana raw ay laging kasing sarap ng mga dinadalhan niya ng pagkain ang kaniya ring kinakain gayundin ng kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Si Kimberly ay isang nurse sa Bacolod, isa siya sa mga frontliners na binubuwis ang buhay araw-araw. Narito ang kanyang masasabi sa nararamdaman ng mga frontliners tulad niya.

Filipino nurse: "We actually don't want to become heroes" | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel