62-anyos na na-stroke habang nakapila para makakuha ng ayuda, pumanaw na

62-anyos na na-stroke habang nakapila para makakuha ng ayuda, pumanaw na

- Isang senior citizen na pumila para sa ayuda ang na-stroke at kalaunan ay binawian din ng buhay

- Aalamin lamang daw ng 62-anyos mula sa Barangay Lias, Marilao Bulacan kung bakit wala pa rin siyang natatanggap na cash aid mula sa gobyerno

- Habang nakapila, bigla na lamang daw na hindi nito maigalaw ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan

- Nadala naman ito sa pagamutan subalit pumanaw na rin ito kalaunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Na-stroke habang nakapila ang 62-anyos na lolo mula sa Barangay Lias, Marilao Bulacan na umaasa pa sanang makakuha ng ayuda mula sa gobyerno.

Base sa ulat ng ABS-CBN, pumunta ang matanda na si Sonny Candelara sa kanilang barangay para alamin bakit hindi pa umano siya nakatatanggap ng ayuda.

Nauna na umano kasing abisuhan ang kanyang anak na si Leopoldo Rivera na mabibigyan ito ng papel para sa cash aid ng pamahalaan.

Ito ang dahilan kung bakit mismong si Candelara ang nagtungo sa barangay upang alamin at linawin kung kasama nga ba ang pangalan niya sa listahan.

Nakita pa umano sa CCTV ang biglang pagsama ng pakiramdam ni Candelara na ang huling nasambit ay "hindi ko magalaw kaliwa ko, nadale yata ako," base sa salaysay ni barangay kagawad Vandolf Mateo.

Agad umanong nadala sa ospital ang matanda na tumaas ang blood pressure ngunit binawian na rin ito ng buhay.

Giit naman ng pamunuan ng Barangay Ilas na hindi raw nila pinapila pa si Candelara dahil alam nilang senior citizen na ito.

Sana raw ay naghintay na lamang ito gayung nakalista naman ang karamihang kaanak ng matanda.

62-anyos na na-stroke habang nakapila para makakuha ng ayuda, pumanaw na

source: ABS-CBN news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiling ng pamilya ni Candelara na siya'y maiburol ngunit kinukumbisi sila ng lokal na pamahalaan na ilibing na agad kahit pa ito ay hindi COVID-19 case.

Iimbestigahan pa rin ang naturang pangyayari upang malaman kung may naging problema nga ba sa pamimigay ng ayuda sa naturang barangay.

Di nalalayo ang sinapit na ito ni Candelara sa isa pang kaso ng matanda na dinamdam ang pagkabigo niyang makakuha ng ayuda.

Sa naunang naiulat ng KAMI, masaya na sana ang lolo na si Avelino Caliwan mula Matayum, Masbate nang malamang isa siya sa makatatanggap ng cash aid na pinamamahagi ng DSWD.

Ngunit nang pumunta siya sa kanilang barangay hall, "for validation" daw pala siya.

Nang malaman pa umano ng matanda na nakatanggap ang mga kapitbahay niyang senior, doon nagsimula itong magdamdam.

Kinahapunan, inatake na ito at nadala sa ospital. Kasalukuyan pa rin itong nagpapagaling sa ospital lalo na't nang magising daw ito ay hindi na niya maigalaw ang kalahating katawan.

Naglabas ng paalala ang DSWD patungkol sa kung sino lamang ang maaring makatanggap ng ayuda mula sa social amelioration program.

Mga "low income" families o may isa man lang sa pamilya nakabilang sa mga informal sectors, indigent indigenous people, underprivileged or homeless individual, OFW na nagkaroon ng problema sa kanyang trabaho abroad dala ng krisis ng COVID-19, senior citizens, PWD, lactating mothers at mga buntis ang target na mabigyan ng programang ito lalo na at nasa enhanced community quarantine ang Luzon at ilang bahagi ng bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Si Kimberly ay isang nurse sa Bacolod, isa siya sa mga frontliners na binubuwis ang buhay araw-araw. Narito ang kanyang masasabi sa nararamdaman ng mga frontliners tulad niya.

Filipino nurse: "We actually don't want to become heroes" | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel