Anak ng jeepney driver sa Bicol, Rank 1 sa 2019 Bar Exams

Anak ng jeepney driver sa Bicol, Rank 1 sa 2019 Bar Exams

- Isang anak ng jeepney driver sa Legazpi City ang nanguna sa 2019 BAR examination

- Nakakuha siya ng rating na 91.0490% kung saan 2,103 mula of 7,685 ang nakapasa

- Produkto siya ng University of Santo Tomas- Legazpi College of Law

- Target niya ang makasama sa top 10 ng BAR ngunit laking gulat niya nang malagak siya sa unang pwesto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang kwento ng tagumpay ni Mae Diane Azores na pinagsumikapan at pinaghirapan ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon bilang topnotcher sa 2019 BAR examinations.

Ayon sa ulat ng Rappler, anak ng isang jeepney driver sAzores at noon pa ma'y kinakitaan na siya ng puso sa paglilingkod sa publiko.

Katunayan, kasalukuyan siyang nagseserbisyo bilang finance analyst III Commission on Audit (COA) sa kanilang lokal na pamahalaan. Sinisiguro niyang maayos na ginagamit ang pera ng sa ibinabayad na buwis.

Bago pa man siya manilbihan sa COA, nakapasok din siya sa Bicol office of the Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Malawak ang mga pangarap ng Bicolanang ito dahil matapos niyang makatapos ng Accountancy sa Bicol University, tinahak naman niya ang pagiging abogado sa UST-Legazpi College of Law.

Malaki ang naitulong niya sa kanilang pamilya. Katunayan, dahil sa kanyang pagsusumikap, sariling jeepney na ng ama ang minamaneho nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At dahil natupad na halos ang kanyang mga pangarap pagdating sa kanyang career, bibigyan naman niya ang kanyang sarili ng oras sa kanyang "love life."

Isa rin marahil ito sa mga sikreto niya sa tagumpay dahil alam niya kung paano balansehin ang itintakbo ng kanyang buhay.

Bukod sa kanyang di matawarang pagpupursige, ang pinaka-importante raw sa lahat ay ang kapit niya sa kanyang pananampalataya.

"Kailangan talaga samahan ng prayer kasi kung desidido ka talagang maging abugado, God will give it to you in His perfect time," pahayag ni Azores nang kapanayamin siya ng GMA news.

Nanguna si Azores sa 2,103 na nakapasa mula sa 7,685 na nag-take.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Si Kimberly ay isang nurse sa Bacolod, isa siya sa mga frontliners na binubuwis ang buhay araw-araw. Narito ang kanyang masasabi sa nararamdaman ng mga frontliners tulad niya.

Filipino nurse: "We actually don't want to become heroes" | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel