Misis na nakatanggap ng ₱6,500 na ayuda, agad itong ginamit pang-negosyo

Misis na nakatanggap ng ₱6,500 na ayuda, agad itong ginamit pang-negosyo

- Marami ang bumilib sa wais na misis na naisipan pang palaguin ang natanggap na ayuda

- Imbis na ipambili ng pagkain at iba pang pangangailangan ng pamilya, naisipan niya itong ipang-negosyo

- Sarado raw kasi ang maliit na computer shop na kanyang pagma-may-ari habang ang mister naman niya ay hinto rin sa hanapbuhay dahil sa COVID-19

- Take-out breakfast ang naisip niya agad na negosyo para siguradong may kinikita siya araw-araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang ginawa ng wais na misis na si Joverly Arellano na naisipang ipang-negosyo ang natanggap na ayuda.

Binahagi ng reporter na si Adrian Ayalin ang kwento ni Joverly na nararapat lamang na tularan ng marami.

Halagang ₱6,500 umano ang natanggap ni Joverly na agad niyang pinamili ng mga kakailanganin niya sa kanyang breakfast take-out business.

Naisip niya raw ito upang palaguin ang perang natanggap lalo na at wala rn maipadala sa kanya ang kanyang mister.

Construction worker daw ito at kasalukuyang stranded sa Pampanga. Hinto muna ito sa trabaho dahil sa Luzon lockdown.

Mayroon man si Joverly na maliit na computer shop business ngunit dahil sa ehanced community quarantine, sarado na rin ito pansamantala.

Kaya naman malaking bagay na nakatanggap siya ng ayuda at hindi niya ito basta pinambili ng kanilang mga kailangan gaya ng pagkain, pinalago pa niya ito.

Sa breakfast take-out business, masisiguro pa niyang may kinikita siya sa araw-araw habang nasa ECQ pa rin ang kanilang lugar sa San Mateo Rizal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nalalayo ang kwento ni Joverly sa naunang ulat ng KAMI kung saan isang tricycle driver ang ipinuhunan sa barbecue busines ang natanggap na ₱2,000 ayuda.

Nararapat lamang na pamarisan si Joverly at maging ang tricycle driver sa diskarte nila sa buhay lalo na at humaharap tayo ngayon sa matinding pagsubok dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Si Kimberly ay isang nurse sa Bacolod, isa siya sa mga frontliners na binubuwis ang buhay araw-araw. Narito ang kanyang masasabi sa nararamdaman ng mga frontliners tulad niya.

Filipino nurse: "We actually don't want to become heroes" | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel