Sundalo, umani ng papuri matapos bigyan ng face mask ang lalaking sinita niya

Sundalo, umani ng papuri matapos bigyan ng face mask ang lalaking sinita niya

- Isang sundalo sa Mandaluyong City ang umani ng papuri mula sa mga netizens

- Sinita ng isang Army reservist ang lalaki na naglalakad sa labas at walang suot na face mask

- Imbis na arestuhin o pagbayarin ng multa, binigyan na lamang niya ito ng libreng face mask

- Sa Mandaluyong City, may P5,000 na multa at isang linggong pagkakakulong ang hindi magsusuot ng face mask sa pampublikong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang isang Army reservist na naka-deploy sa Mandaluyong City.

Nalaman ng KAMI na pinuri ng mga netizens ang pamamaraan ng sundalo na sitahin at disiplinahin ang isang lalaki na naglalakad sa lansangan at walang suot na face mask.

Ayon sa Facebook post ng Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang Army reservist sa Barangay Addition Hills ay pinagsabihan ang lalaki na kailangan may suot na face sa tuwing nasa pampublikong lugar.

Imbes na hulihin o pagbayarin ng multa, nagbigay ng libreng face mask ang Army reservist upang may masuot ito.

Base sa Ordinance No. 767 ng Mandaluyong, ang mahuhuling walang suot na face mask sa lansangan ay kailangang magbayad ng P5,000 na multa at makukulong ng isang linggo.

Sundalo, umani ng papuri matapos bigyan ng face mask ang sinita niyang lalaki

Photo from Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Office
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang ginawa ng sundalo sa lalaking walang face mask. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Thank you for setting an example to other policemen and army. God bless ho.”
“Great job mga sir! Nakakatuwang isipin na may mga ganyan pa palang mababait at hindi hambog sa kapangyarihan.”
“This is how the military and policemen SHOULD do it. Easy and more importantly no one gets HURT.”
“Yes to sensible and compassionate law enforcement!”
“This is the most appropriate and sensible way to implement the ECQ.. Hindi yung mang aresto at pagmultahin nyo agad yung tao gayung ang lhat ay di nkakuha ng ayuda at gipit s pera. yan ha mga foolish at mga batutang tanod.. Mgsilbi nawang halimbawa s inyo yan”
“Good job army reservists creating solution to the problem and not creating another problem.”
“Diba? Kaya naman. Sana kaya din ng pulis. Salamat sa ating mga sundalo.”
Sundalo, umani ng papuri matapos bigyan ng face mask ang sinita niyang lalaki

Screenshot from Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Office
Source: Facebook

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our host Paula Coling suggested different movies and series that you should watch while stuck at home due to the lockdown. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel