Na-stroke na lolo na dinamdam ang proseso ng inaasahang ayuda, viral

Na-stroke na lolo na dinamdam ang proseso ng inaasahang ayuda, viral

- Na-stroke ang isang matandang lalaki na umasang makatatanggap siya ng ayuda ng social amelioration program ng DSWD

- Nang malaman daw ng matanda na kasama siya sa listahan ng mabibigyan, maaga pa lamang ay nagtungo na ito sa barangay ngunit sa kasamaang palad, "for validation" pa raw si lolo

- Nang malaman ng matanda na nakatangap ang ibang senior citizen tulad niya, naisip niyang sana'y di na lamang daw siya isinama sa listahan

- Dinamdam daw ito ng lolo hanggang sa inatake na raw ito

- Kasalukuyan na itong nasa ospital at hindi na raw maigalaw ang kalahating katawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post tungkol sa isang matanda na dinamdam ang hindi niya pagtanggap ng inaasahang ayuda.

Ayon sa nagpakilala nitong apo na si Ompad Leah Caliwan Briones, 5 a.m. pa lamang ng umaga ay masayang gumising ang lolo niyang si Avelino Caliwan at nakalista raw umano siya sa mga makatatanggap ng limang libong piso mula sa social amelioration program ng DSWD.

Agad daw itong nagtungo sa barangay hall ng Matayum, Masbate ngunit bigo itong makakuha ng inaasahang pera.

Ayon daw sa taga-DSWD, "for validation" pa raw si Lolo Avelino kaya naman pinauwi na muna ito.

Hindi naiwasang sumama ng loob ng lolo at tila dinamdam nang husto ang pagkabigong makakuha ng ayuda.

Lalo pa nang malaman daw nitong may mga senior citizen na nakakuha ng P5,000 nang araw ding iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nasabi na lamang ng matanda na sana raw ay hindi na siya isinama sa "payroll" kung hindi naman pala siya bibigyan.

Pagpatak ng alas sais nang gabi, inatake na raw si Lolo Avelino dala marahil ng sama ng loob sa nangyari.

Nadala na raw ito sa ospital at bagaman at nakamulat at nakapagsasalita, hindi naman daw nito maigalaw ang kalahating katawan.

Matatandaang naglabas ng paalala ang DSWD patungkol sa kung sino lamang ang maaring makatanggap ng ayuda mula sa SAP.

Target nito ang mga "low income" families o may isa man lang sa pamilya nakabilang sa mga informal sectors, indigent indigenous people, underprivileged or homeless individual, OFW na nagkaroon ng problema sa kanyang trabaho abroad dala ng krisis ng COVID-19, senior citizens, PWD, lactating mothers at mga buntis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you watched everything during the quarantine? We don't think so! Check out our list of series and movies that would make your stay-at-home time more interesting!

StayAtHome Mode: 8 Movies & Series That You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel