Matapos ang 11 araw sa ospital: 16-day-old na sanggol, naka-recover sa COVID-19

Matapos ang 11 araw sa ospital: 16-day-old na sanggol, naka-recover sa COVID-19

- Isang 16-day-old na sanggol ang gumaling sa COVID-19

- 11 araw din siyang namalagi sa National Children’s Hospital

- Sinalubong siya ng kanyang ama sa lobby ng ospital

- Masaya rin ang mga frontliners para kay Kobe dahil sa matapang nitong napaglabanan ang bagsik ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pag-asa ang dala ng sanggol na si Kobe na naka-recover sa COVID-19.

Binahagi ng Rappler ang mga larawang kuha ni Angie de Silva kung saan makikitang papauwi na ang 16-day-old na sanggol.

11 araw din ang itinagal ng pagpapagaling niya sa National Children's Hospital.

Sinalubong siya ng kanyang ama na bakas ang pananabik sa mga mata.

Kahit di pa man nababasa ni babay Kobe, masayang gumawa ang mga frontliners na nag-aruga sa kanya ng mga karatulang may nakasulat na "Kobe beats COVID" bilang tanda kung gaano sila kasaya sa paggaling ng matapang na sanggol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nalalayo ang kwentong ito sa naunang ulat ng KAMI kung saan isang apat na buwang sanggol din ang gumaling sa COIVD-19.

Nakunan ng video ang nakakatunaw ng puso na pagkikita muli ng sanggol at kanyang ina.

Mahigpit na ipinagbabawal kasi ang bantay sa mga COVID-19 patients kahit pa sanggol ang tinamaan nito.

Kaya ganoon na lamang ang pananabik ng ina na mayakap ang kanyang anak.

Tunay na nagbibigay pag-asa ang katapangang ipinakita ng mga sanggol na ito. Nangangahulugan lamang na hindi lahat ng tinatamaan ng virus ay kamatayan na ang hantungan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

You have watched everything during the quarantine? We don't think so! Check out our list of series and movies that would make your stay-at-home time more interesting!

StayAtHome Mode: 8 Movies & Series That You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel