Doktor sa NY, nagpakamatay matapos masaksihan ang bangis ng COVID-19

Doktor sa NY, nagpakamatay matapos masaksihan ang bangis ng COVID-19

- Nagpakamatay ang isang doktor sa Manhattan matapos nitong masaksihan ang bangis at lupit ng coronavirus disease

- Nagmula mismo ang malungkot na balita mula sa ama ng doktor na kinilalang si Dr. Lorna Breen

- Kwento ng ama nito, habang nagsisilbi ito sa frontline ay hindi nito kinaya ang nasaksihang sunod-sunod na pagkamatay ng mga pasyente

- Ayon sa pamilya nito, walang history ng mental illness ang 49-anyos na doktora

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa pang frontliner ang nalagas sa hanay matapos nitong kitilin ang sariling buhay dahil sa napakalupit na laban kontra sa coronavirus.

Ayon sa report ng New York Post, nagpakamatay sa kanilang tahanan sa Charlottesville, Virginia noong Linggo si Dr. Lorna Breen na nagsilbing medical director ng NewYork-Presbyterian Allen Hospital sa gitna ng pandemic.

Nanggaling mismo ang malungkot na balita mula sa ama nitong si Dr. Philip Breen.

"She tried to do her job, and it killed her," anito.

Kwento pa ng nakatatandang Breen, minsang hindi na kinaya ng pumanaw na doktor ang nasasaksihan dulot ng virus.

Nagpahinga raw ito ngunit muling bumalik sa trabaho makalipas ang ilang araw pero muli itong pinauwi ng pinagtatrabahuhang ospital kaya dinala ito ng pamilya sa Virginia.

Ayon pa kay Dr. Philip, walang history ng mental illness ang anak ngunit nang huli niya itong makausap ay sinabi nitong labis itong naapektuhan ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga pasyente, ang ilan pa rito ay sa ambulansiya na namamatay.

Ayon naman sa ilang mental-health professionals, ang post-traumatic stress disorder (PTSD) na dulot ng pandemic ay nagiging krisis na rin at ang mga front-line health care workers ang pinaka-apektado nito.

Ang USA ang may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus na umabot na sa 1,010,507. 23,822 na mula rito ang namatay habang 123,903 naman ang naka-recover.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel