Pinoy nurse sa UAE, binawian ng buhay dahil sa COVID-19

Pinoy nurse sa UAE, binawian ng buhay dahil sa COVID-19

- Pumanaw ang isa nating kababayang nurse sa UAE dahil sa COVID-19

- Isa siya sa mga frontliners ng University Hospital Sharjah kung saan din siya binawian ng buhay nitong Linggo, Abril 26

- Siya ang kauna-unahang Pinoy health worker na pumanaw sa UAE

- Walong taon din siyang nanilbihan bilang nurse sa nasabing lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumakabilang buhay ang isang Pinoy nurse sa UAE dahil sa bagsik ng COVID-19.

Kinumpirma ng Philippine Nurses Association ng UAE ang pagpanaw ni Marlon Jimenea, isang Ilonggo nurse na namayapa nitong Linggo, Abril 26.

Si Jimenea raw ang pinakaunang Pinoy health worker sa United Arab Emirates na namatay dahil sa kinatatakutang virus.

Isa siya sa mga frontliners ng University Hospital Sharjah kung saan pinaniniwalaang nakuha niya ang naturang virus.

Walong taon din siyang nanilbihan sa nasabing ospital na tinuturing siyang "fallen hero."

Ayon sa The Filipino Times, Ang Philippine Consul General ng Dubai na si Paul Raymond ang siyang nagpaalam ng nakakalungkot na balita sa misis ni Jimenea.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umabot na sa 10,839 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa UAE.

Tinatayang nasa 1,022,326 na rin ang na-test sa kanila para masigurong nade-detect agad ang mga tinamaan ng nakamamatay na virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you watched everything during the quarantine? We don't think so! Check out our list of series and movies that would make your stay-at-home time more interesting!

StayAtHome Mode: 8 Movies & Series That You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel