Sundalo sa Zamboanga del Sur, muling nagpositibo sa COVID-19 matapos gumaling

Sundalo sa Zamboanga del Sur, muling nagpositibo sa COVID-19 matapos gumaling

- Isang sundalo sa Zamboanga del Sur ang muling nagpositibo sa COVID-19 matapos nitong gumaling

- Nalaman ng mga opisyal na nagpositibo muli sa test ang sundalo matapos niyang sumailalim sa 14-day home quarantine

- Sabi ni Zamboanga del Sur Medical Center (ZDSMC) Chief Dr. Anatalio Cagampang Jr., posibleng tira-tira na lang ng coronavirus ang nakita sa test

- Subalit, hindi na ibabalik sa ospital ang pasyente dahil asymptomatic naman na ito o wala ng sintomas na nararamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang sundalo sa Zamboanga del Sur ang muling nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 matapos nitong gumaling.

Nalaman ng KAMI na noong unang linggo pa lang ng Abril ay na-discharge na ang sundalo sa ospital.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ni Zamboanga del Sur Medical Center (ZDSMC) Chief Dr. Anatalio Cagampang Jr. na noong kuhaan muli ng test ang sundalo matapos ang 14-day home quarantine nito, muling lumabas na positibo siya.

Paliwanag ni Cagampang, posibleng ang na-detect ng test ay “remnants” o tira-tira ng coronavirus.

Ang nasabing pasyente ay galing sa Taguig City sa Metro Manila bago siya umuwi ng Zamboanga City noong Marso 14. Nagkaroon siya ng sintomas ng COVID-19 at dinala na sa ospital matapos ang tatlong araw.

Sabi ni Zamboanga del Sur COVID-19 Task Force spokesperson Dr. Robert Capatoy, plano niyang ibalik sa isolation facility ang pasyente.

Sundalo sa Zamboanga del Sur, muling nagpositibo sa COVID-19 matapos gumaling

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News, hindi na nagsagawa ng contact tracing ang awtoridad dahil mahigpit na sinunod ng pasyente ang home quarantine.

Hindi na rin umano siya ibabalik sa ospital dahil asymptomatic na siya o wala ng nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Kasalukuyang nasa 4 ang positibong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga del Sur. Subalit, isa na lang sa mga ito ang nasa ospital.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our host Paula Coling suggested different movies and series that you should watch while stuck at home due to the lockdown. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel