Mga "Bakliners" ng Gumaca, Quezon, dala ay saya sa pamimigay ng tulong sa mga kababayan

Mga "Bakliners" ng Gumaca, Quezon, dala ay saya sa pamimigay ng tulong sa mga kababayan

- Kinagigiliwan ang mga tinatawag na "bakliners" ng Gumaca, Quezon

- Kasa-kasama sila ng LGU ng naturang bayan sa pamimigay ng tulong sa mga Gumaqueño

- Hatid din nila ang kaunting kasiyahan sa kanilang mga nadadaanan dahil napapangiti at napapatawa nila ang mga ito

- Labis na nagpapasalamat sa kanila ang masipag na alkalde ng bayan dahil boluntaryo lamang ang pagtulong na ito ng mga 'bakliners'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ang mga tinatawag na 'bakliners' ng Gumaca, Quezon dahil sa kanilang nakakatuwang gimik habang namimigay ng tulong sa kanilang mga kababayan.

Suot ang kanilang mga gown at nakasuot pa rin sila ng face mask, di alintana ang init sa mga 'bakliners' na ito na namimigay ng mga talong sa bawat bahay ng dalawang barangay sa kanilang bayan nito lamang Linggo, Abril 26.

Aliw na aliw ang mga Gumaqueño sa pagdaan ng mga 'bakliners' na nagbibigay paalala pa tungkol sa kahalagahan ng social distancing at pagsusuot ng face mask sa panahon ngayong laganap pa rin ang COVID-19.

Ang kagandahan pa ng gawain nilang ito, ang mga gulay na kanilang pinamimigay ay bili ng kanilang napakasipag na alkalde na si Mayor Webster Letargo sa mga local farmers ng kanila mismong bayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ganitong paraan, nasisiguro nilang sariwa ang mga pinamimigay na gulay sa mga Gumaqueño at nakakatulong pa sila sa mga nagtatanim nito lalo na ngayong nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang Luzon.

Sadyang nakamamangha ang gawain na ito ng mga bakliners na miyembro ng LGBTQ community dahil boluntaryo lamang nila itong ginagawa na suportado naman ng kanilang alkalde.

Bukod kasi sa pagsama nila sa pamimigay ng tulong ng kanilang local government unit, nagpapangiti pa nila ang mga kababayan at pansamantalang naiibsan ang takot at pangamba dala ng COVID-19.

Patunay lamang na wala sa estado ng buhay lalo nang wala sa kung ano ang kasarian ng taong bukal sa puso ang pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

You have watched everything during the quarantine? We don't think so! Check out our list of series and movies that would make your stay-at-home time more interesting!

StayAtHome Mode: 8 Movies & Series That You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel