Supplier, inereklamo ang purok leader na ayaw padaanin ang oxygen tank ng naghihingalong pasyente

Supplier, inereklamo ang purok leader na ayaw padaanin ang oxygen tank ng naghihingalong pasyente

- Isang supplier ang inireklamo ang purok leader na hindi umano sila pinayagan makadaan kahit na may delivery ng oxygen tank para sa naghihingalong pasyente

- Kahit nagpakita umano ng mga dokumento ang supplier sa purok leader, kulang pa rin daw ito

- Matapos ang isang oras ay doon lang nakalusot ang supplier, matapos dumating ng iba pang barangay officials para tulungan sila

- Nagsampa rin ng kaso ang supplier laban sa purok leader dahil sa diskriminasyon umano na naranasan nila

- Napagsabihan na rin ng barangay officials ang purok leader, sabi ng mga kaanak nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang supplier na may dalang oxygen tank ang hinarang sa checkpoint sa Quezon City.

Nalaman ng KAMI na dadalhin sana ng supplier ang oxygen tank para sa naghihingalong pasyente nito.

Makikita sa isang video na in-upload sa Facebook na hinarang ng purok leader sa Zytec Compound, Brgy. Pasong Tamo nitong Linggo ang delivery ng oxygen tank.

Giit ng supplier, nagpakita na sila ng mga nararapat na dokumento at permit upang patunayan na sila ay lehitimong oxygen tank supplier. Subalit, hindi pa rin sila pinayagang makadaan.

Habang nagkakainitan ang supplier at ang purok leader, dumating na rin ang ibang opisyal ng barangay upang pigilan sila.

Paliwanag ng purok leader, kulang daw ang dokumento na ipinakita sa kanya at marami raw sakay ang sasakyan. Sagot ng supplier, kailangan ng tao upang buhatin ang dalawang oxygen tank dahil mabigat ito.

Maririnig din na sinabi ng purok leader na “edi mamatay” ang pasyente kung hindi madedeliver ang oxygen tank.

Mapapanood ang video rito:

Samantala, sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng supplier na tinext na sila ng nurse ng pasyente upang magmadali dahil naghihingalo na nga ang pasyente.

"Tinext kami ng nurse na kausap namin, sabi na kailangan na ipadala 'yung oxygen tank kasi naghihingalo na ang pasyente. Kaya nagkagulo na kami,” giit ni Louie Bugayong, isa sa mga nagdedeliver.

"Tinanong ko 'yung purok papaano ang deskarte kasi ayaw kami paalisin. Sabi niya, 'Edi mamatay 'yan kung mamatay,'" dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang 1 oras ay doon lamang nakalusot ang supplier, matapos dumating ng iba pang mga opisyal upang tulungan sila.

Handa naman ang kampo ng supplier na magsampa ng kaso laban sa purok leader dahil sila umano ay nakaranas ng diskriminasyon kahit na sila ay maituturing na frontliner ngayong may banta ng COVID-19.

Ayon sa kaanak ng purok leader, napagsabihan na raw ng barangay officials ito matapos ang insidente.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our host Paula Coling suggested different movies and series that you should watch while stuck at home due to the lockdown. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel