44-anyos na Pinay OFW sa Kuwait, pumanaw dahil sa COVID-19

44-anyos na Pinay OFW sa Kuwait, pumanaw dahil sa COVID-19

- Isang 44-anyos na Pinay sa OFW ang pumanaw dahil sa COVID-19

- Nagawa pa raw nitong tumawag sa kapatid na nasa Pilipinas nang makaramdam ng sintomas ng COVID-19

- Matapos ang nasa limang araw lamang na pakikipaglaban sa virus, hindi na nito kinaya at siya'y namayapa na

- Hindi na raw ito nakapamaalam sa mga anak niyang nasa Sultan Kudarat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang isang 44-anyos na Pinay sa Kuwait matapos itong pahirapan ng COVID-19.

Nakilala itong si Connie Laureano na OFW sa nasabing bansa at nagtatrabaho sa isang salon.

Binahagi ng netizen na si Gie Gie ang larawan ng Connie ang ilang detalye ukol sa OFW.

Base sa ulat ng Pilipino sa Kuwait, Abril 22 raw ng nang makaramdam ng hirap sa paghinga si Connie at nadala raw naman agad ito sa Mubarak Al Kabeer Hospital.

Nailipat pa raw ito sa Jaber Hospital at doon natest na siya at nalamang positibo nga siya sa COVID-19.

Kinumpirma naman ito ng kanyang kapatid na si Erlyn Tamao, isa ring OFW sa Kuwait.

Matapos lamang ng ilang araw sa ospital, binawian na rin ng buhay si Connie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi makapaniwala ang ate niya na ang tawag ng kanyang kapatid tungkol sa iniinda niyang sakit ang magiging huling usapan nila.

Dahil sa naka-lockdown din sa kanilang lugar, hindi naman lumalabas si Connie na tinamaan na pala ng bagsik ng COVID-19.

Ang masaklap, hindi na raw ito nakapagpaalam sa kanyang mga anak na nasa Sultan Kuldarat.

Labis na mahirap ito para sa kanila lalo na at single mom pala si Connie na nagtataguyod sa kanyang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

Rest in Peace kabayan! Nakikiramay ang KAMI sa pamilya ni Connie Laureano sa maagang pagkawala nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

You have watched everything during the quarantine? We don't think so! Check out our list of series and movies that would make your stay-at-home time more interesting!

StayAtHome Mode: 8 Movies & Series That You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel