Doktorang nagpositibo sa COVID-19, desididong bumalik sa frontline 'pag tuluyang gumaling

Doktorang nagpositibo sa COVID-19, desididong bumalik sa frontline 'pag tuluyang gumaling

- Mismong kaarawan niya nang i-anunsyo ni Dr. Carmina Fuentebella na nalampasan na niya ang kritikal na kalagayan dala ng COVID-19

- Patuloy pa rin siya sa pagpapahinga at pagpapagaling

- Buong tapang niyang sinabi na kung siya ay naka-recover na, balak pa rin niyang bumalik sa pagiging isang frontliner

- Malaking bagay daw sa kanyang paggaling ang suporta ng mga taong hindi siya sinukuan sa kanyang laban sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang nagpapagaling ang isang batang doktora na si Dr. Carmina Fuentebella na tinamaan ng COVID-19.

Sa naunang ulat ng KAMI maaalalang sa mismong kaarawan ng doktora, inanunsyo nito na napaglabanan na niya ang pinakakritikal na kalagayang dala ng COVID-19.

Nakangiti na siya at masigla at kita na ang pag-asa sa isang COVID-19 survivor na tulad niya.

Dahil dito, buong tapang naman niyang inanunsyo na may balak pa rin siyang bumalik bilang isang frontliner sa oras na tuluyan na siyang gumaling.

“Naniniwala ako na kailangan maging magaling muna ako para mapagaling ko mga pasyente ko,” pahayag ng doktora sa panayam sa kanya ng CNN Philippines.

Mula rin sa Intensive Care Unit, nailipat na siya sa regular ward kung saan siya patuloy na nagpapalakas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ni Dr. Fuentebella, hindi niya akalain na tatamaan umano siya ng virus. Wala siyang iniindang karamdaman bago siya magpositibo sa COVID-19.

Inakala rin niyang kakayanin ng kanyang katawan ang bagsik ng virus ngunit dumating pa rin umano sa punto na siya ay gumising na mayroon nang tube support dahil sa hirap sa paghinga.

Ngunit lahat nang iyon ay kanyang napagtagumpayan na dahil na rin daw umano sa tulong ng mga taong patuloy na nagdarasal sa kanyang paggaling.

Ayon pa sa ulat ng GMA News, inspirasyon daw ang dala ng kwento ng pag-asa ni Dra. Fuentebella.

At sa kabila ng naranasan na hirap, binabalak pa rin niyang manguna sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

You have watched everything during the quarantine? We don't think so! Check out our list of series and movies that would make your stay-at-home time more interesting!

StayAtHome Mode: 8 Movies & Series That You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel