Ospital sa Baclaran na tumatanggap lang umano ng Chinese na pasyente, natimbog ng awtoridad

Ospital sa Baclaran na tumatanggap lang umano ng Chinese na pasyente, natimbog ng awtoridad

- Isang hindi rehistradong ospital na dating commercial space sa Baclaran ang natimbog ng awtoridad

- Ayon sa ulat, isang Chinese hospital daw ito at tumatanggap ng pasyente kahit na walang lisensya

- Bukod pa rito, may mga nakita ring mga treatment beds, IV stands, at botika sa loob ng gusaling ito

- Isang gusali rin na malapit dito ang pinuntahan ng mga awtoridad at nakitang puro hindi rehistradong gamot dito na galing sa China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang ilegal na diumano’y “Chinese Hospital” ang natimbog ng mga awtoridad sa Brgy. Baclaran sa Parañaque City.

Nalaman ng KAMI na noon ay isang commercial space lang ang gusaling ito. Subalit ngayon, nakitang naging clinic na ito ng mga Chinese.

Ayon sa ulat ng GMA News Online (ulat ni Joviland Rita), nagsagawa ng inspeksyon ang city health office ng barangay matapos mapansin ng mga residente na may mga pasyenteng labas-pasok umano sa ospital na ito.

“Hindi ho naming lubos maisip bakit ho nagkaroon ng Chinese Hospital ho dito sa lugar namin,” sabi ni Chairman Jun Sayde.

Sa loob ng gusali ay makikita ang mga treatment beds, upuan, at IV stand. Bukod pa rito, mayroon ding botika na may mga gamot na hindi umano rehistrado na puro Chinese character at walang English translation.

“Apparently, they treat their own. Madaming nakakakita na maraming pumupunta. Kumukuha ng gamot at may pumapasok, in and out, naka-dextrose,” sabi ni City health officer Dr. Olga Virtusio.

“Most probably they are really catering to the POGOs around,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inireklamo rin ang pagtambak ng basura sa pasilidad na ito at ang kawalan nito ng lisensya upang magpatuloy sa operasyon. Sinarado na ng city health office ang gusaling ito na tinatayang 3 linggo nang bukas.

Bukod pa rito, ay isang gusali na malapit dito kung saan nakita rin ang mga hindi rehistradong gamot na puro Chinese characters din ang nakasulat. May isang Chinese caretaker na nakausap dito, ngunit walang dokumentong naipakita sa awtoridad.

Wala namang nahuli matapos ang inspeksyon. Subalit, pinag-uusapan pa ng pulisya, Food and Drug Administration, at lokal na pamahalaan ang karampatang reklamo na dapat ihain laban sa Chinese hospital.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel