Seaman, bigla na lang naglaho sa barko ayon sa mga kaanak nito

Seaman, bigla na lang naglaho sa barko ayon sa mga kaanak nito

-Nananawagan ng tulong ang pamilya ng isang Pinoy seaman na bigla na lang daw nawala habang nasa barko

-Batay sa Facebook post ng kapatid nito, April 23 pa nang mawala ang 23-anyos na binata

-Huli itong nakita nang magpa-relieve diumano ang isa sa mga kasamahan nito bandang 6:00 hanggang 6:45 ng gabi

-Pero matapos nito ay hindi na umano nakita pa ang binata at hanggang sa ngayon ay wala pa ring balita ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nananawagan ng tulong ang pamilya ng 23-anyos na seaman na si Cristito M. Acosta na bigla na lang daw naglaho habang sakay ng barko.

Batay sa Facebook post ng netizen na si Criselda Acosta Dulay, kapatid ni Cristito, April 23 pa nang mawala ang binata na isang 3rd Officer Junior ng Teekay at sakay ng barkong Jiaolong Spirit, mula Texas at patungo ng South Africa.

Huli raw itong nakita nang magpa-relieve diumano ang isa sa mga kasamahan nito bandang 6:00 hanggang 6:45 ng gabi.

Pero matapos nito ay hindi na umano nakita pa ang binata na nakatakda sanang mag-duty ng 8:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi.

Dahil dito ay naalarma na raw ang mga kasamahan nito at agad na ipinahanap si Cristito.

Ngunit itinigil din daw ang paghahanap dito matapos ang tatlong araw at kailangan nang ituloy ang byahe ng barko.

Ayon kay Criselda, sa May 16 pa nakatakdang mag-imbestiga ang mga awtoridad kapag nakadaong na ang kanilang barko.

Dagdag pasakit ito sa pamilya dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala pang balita ukol sa binata.

Labis na pag-aalala na rin daw ang nararamdaman ng kanilang ina ayon sa isang FB post ni Criselda.

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang simpatya para sa pamilya at hangad na makita pa si Cristito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel