New normal: Jeep na swak sa social distancing, ikinatuwa ng netizens

New normal: Jeep na swak sa social distancing, ikinatuwa ng netizens

- Naging viral sa social media ang isang jeepney dahil sa kakaibang upgrade nito ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa

- Ngayong balik pasada na ang tsuper, naglagay ito ng plastic sa pagitan ng mga pasahero para magsilbing harang

- Mas magiging madali rin daw malaman kung puno na ang jeep dahil sa ngayon ay kalahati lang ng nalaman nito ang pwedeng sumakay

- Samantala, ang mga netizens naman ay nabilib sa naisip na paraan ng tsuper upang sumunod pa rin sa social distancing kahit balik-pasada na siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok ngayon sa social media ang kakaibang disenyo at “upgrade” ng isang jeepney sa Baguio City.

Nalaman ng KAMI na noong nag-balik pasada ang isang tsuper ay sinunod pa rin nito ang social distancing sa mismong jeep niya.

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, sinabi ng isa sa mga nag-disenyo ng jeep na si Gideon Amino na sa disenyong ito, mas madali ring malaman kung puno na ba ang jeep. Naglagay sila ng plastic sa pagitan ng mga pasahero para hindi magtabi-tabi ang mga ito.

Ngayong balik pasada na ang mga tsuper sa Baguio City, mahigpit na ipinapatupad ang 11 na pasahero lang kada jeep o kalahati lamang upang masunod pa rin ang social distancing ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang mga netizens naman ay naaliw sa kakaibang paraan ng driver upang masigurado ang kaligtasan ng mga pasahero niya. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Thanks for being innovative and protective.”
“Great idea! good job and safety measure for the passengers.”
“ Good idea kuya . Keep it up till the end of covid19. Keep safe always. ĢOD BLESS po”
“Galing nyo po manong driver! Thank you for keeping your passengers safe. Ingat po!”
“Very nice.. salute sa effort ni manong driver!”

Sa ngayon, may 7, 579 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon sa tracker ng Department of Health, ang 25 dito ay mula sa Baguio.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel