OFW, ipapa-deport ng DOLE dahil sa FB posts laban kay Pres. Duterte

OFW, ipapa-deport ng DOLE dahil sa FB posts laban kay Pres. Duterte

- Gustong ipa-deport ng DOLE ang isang Filipina caregiver sa Taiwan dahil sa mga Facebook posts at komento nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte

- Ayon sa ahensiya, lumilikha ng galit laban sa gobyerno o sa presidente ang Pinay sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa dahil sa coronavirus

- Una na raw binalaan ng POLO noong Abril 20 at nangako naman daw ito ng public apology at buburahin na ang mga posts

- Ganunpaman, ilang oras lamang matapos nito ay mayroong lumabas na mga posts ng suporta para rito mula umano sa mga "fake accounts" sa FB page ng POLO Taichung

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Gustong ipa-deport ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang Filipina caregiver sa Taiwan dahil sa mga Facebook posts at komento nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala itong si Elanel Egot Ordidor at isang OFW sa Yunlin County, ayon sa report ng Rappler.

"We are constrained to act for the deportation of a Filipina working as [a] caregiver in Taiwan for the crime of cyber libel for [her] wilful posting of nasty and malevolent materials against President Duterte on Facebook, intended to cause hatred amidst the global health crisis brought about by the COVID-19 pandemic," ayon sa isang statement mula kay Labor Attaché Fidel Macauyag.

Una na raw binalaan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) noong Abril 20 si Ordidor at nangako naman daw ito ng public apology at buburahin na ang mga posts.

"However, hours after the visit, several posts were seen on the POLO Taichung’s Facebook page from several fake accounts assuring (the worker's) cause and further giving her assurance of support," ayon kay Macauyag sa isang report ng ABS-CBN News.

Batay sa mga ulat na lumabas, nakikipag-ugnayan na ang POLO sa employer ni Ordidor upang ma-deport ito at makasuhan ng cyberlibel sa ilalim ng Republic Act No. 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012.

Samantala, sa isang tweet, may paalala naman si Senator Nancy Binay sa naging aksyong ito ng DOLE.

"Paalala lang po sa mga labor attaches na kayo ang kanlungan at sandigan ng ating mga OFW. Wag maging Bagong Makapili sa harap ng mga bagong bayani," anito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel