Isang lalaking sakay ng motorsiklo, bistadong alak ang karga

Isang lalaking sakay ng motorsiklo, bistadong alak ang karga

- Isang lalaki ang nahulihan ng dalawang case ng alak na kanyang karga sa kanyang motorsiklo

- Hindi nakalusot ang lalaki matapos matunugan ng mga otoridad at pinabuksan ang kanyang dala

- Kasalukuyang ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbili ng alak dahil sa liquor ban na ipinapatupad

- Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa netizens ang mga litrato ng nahuling lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakapalag ang isang lalaki matapos mabuking ang kanyang kargang alak sa kanyang motorsiklo. Makikitang nakatakip ang karga niya pero natunugan ito ng otoridad at tumambad ang dalawang case ng alak.

Kinuhanan ng litrato ang lalaki na lumabag sa pinapatupad na liquor ban sa gitna ng enhanced community quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng umiiral na liquor ban, may mga nahuhuli pa ring nag-iinuman. Kaya naman marami ang umalma sa balitang ito.

Halos double kasi presyo nyan pag binenta nila. Ayan huli double din quarantine mo sa kulungan
Sana naman matuto na tayong sumunod sa mga patakaran lalo at may kinakaharap tayong suliranin
Nakakaawa siya pero kailangan din talagang matuto ng leksyon para ugaliin na ang pagsunod sa mga patakaran

Matatandaang isinailalim sa enhanced community quarantine ilang lugar sa bansa matapos ang pagtaas ng positibong kaso ng COVID-19. Isinagawa ito upang maiwasan ang paglabas ng tao at lalong pagdami ng tinatamaan ng COVID-19.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, pinagbabawalan na lumabas ang mga tao lalo na kung walang quarantine pass o wala namang mahalagang gagawin.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang sasakyan din ang nahulihang may kargang dose-dosenang alak.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel