Sasakyang may nakapaskil na 'do not delay', alak ang karga

Sasakyang may nakapaskil na 'do not delay', alak ang karga

- Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng dose-dosenang bote ng alak sa kanilang sasakyan

- May nakapaskil pa na "Do Not Delay" at "Shuttle Service" ng isang kompanya ang kanilang SUV

- Gayunpaman, napansin ng mga pulis na may mga bote ng alak sa likod ng sasakyan

- Kasalukuyang ipinapatupad ang liquor ban kasabay ng enhanced community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang lalaki ang arestado matapos mabuking na alak ang karga ng kanilang SUV na may nakapaskil na "Do Not Delay" at "Shuttle Service" ng isang kompanya.

Sa isang checkpoint sa Manila, napansin ng otoridad ang mga bote ng alak sa likod ng sasakyan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Police Capt. Leo Labrador, hepe ng Juan Luna police community precinct, nakabantay ang mga pulis sa checkpoint sa may kanto ng Juan Luna at Meisic Street sa Binondo nang dumating ang isang puting SUV na may sakay na 2 lalaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos hingian ng dokumento ang dalawa, wala silang maibigay kahit quarantine pass man lamang.

Dahil dito, inaresto at dinala sila sa Manila Police District Station 11.

21 bote ng 1 liter brandy at meron din 23 bote ng 500 ml na beer ang nakumpiska sa kanila.

Kasalukuyang ipinapatupad ang liquor ban kasabay ng enhanced community quarantine. Ito ay upang maiwasan ang pakikipag-inuman at masunod ang social distancing. Nakatakdang magtapos sa May 15 ang mas pinalawig na enhanced community quarantine sa Metro Manila.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel