44 Chinese nationals na nahuli sa illegal na operasyon ng POGO, maaring ma-deport

44 Chinese nationals na nahuli sa illegal na operasyon ng POGO, maaring ma-deport

- Pinag-aaralan na ng Bureau of Immigration sa pakikipagtulungan sa police ang mga kasong pwedeng isampa laban sa 44 na Chinese nationals

- Kabilang sila sa 53 katao na nahuli sa Parañaque kaugnay sa illegal ng operasyon ng POGO

- Iginiit ng Bureau of Immigration na kailangan sumunod sa batas ang lahat ng dyuhan dito sa bansa

- Maari umano ma-deport ang mga nahuling Chinese nationals matapos nilang mapagbayaran sa batas ang kanilang kasalanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maaring ma-deport ang 44 na Chinese nationals na kabilang sa mga nahuli sa illegal na operasyon ng POGO sa Parañaque nitong Biyernes.

Ayon sa Bureau of Immigration, paiigtingin nila ang pagsusuri sa mga establisyementong maaring lumalabag din sa mga panuntunan ng ipinapatupad na enhanced community quarantine.

"We will not take this lightly. Foreign nationals that are in the country must abide by our laws and face criminal and immigration sanctions," ani Dana Sandoval, BI spokesperson na nakapanayam ng ABS-CBN News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, maari lamang silang ma-deport matapos nilang pagbayaran ang paglabag sa batas.

Hinuli lahat ng mga tao sa sinasabing illegal POGO office at kinumpiska na rin ang nasa 36 na laptop at 17 desktop computer.

Kinakaharap ng mga arestado ang patong-patong na kaso kabilang na ang ang pag-operate ng ilegal na POGO, pagdala ng baril at pagtitipon sa labas ng bahay kahit naka-enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Inaasahang matatapos ang ECQ sa May 15 matapos ianunsiyo ni Pangulong Duterte ang pagpapalawig nito kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel