COVID-19 patient na tumakas sa PGH, natunton ng otoridad sa Binondo

COVID-19 patient na tumakas sa PGH, natunton ng otoridad sa Binondo

- Isang lalaking positibo sa COVID-19 ang tumakas mula sa Philippine General Hospital

- Magkasamang tinunton ng Manila Police at ilang tauhan ng PGH ang kinaroroonan ng pasyente

- Tumakas ang lalaking pasyente sa ospital ngayong Linggo nang lagpas tanghali

- Natunton ng otoridad na pawang nakasuot ng full personal protection gear ang lalaki sa Binondo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkasamang tinunton ng mga taga Philippine General Hospital at Manila Police ang isang COVID-19 patient na tumakas mula sa pagamutan nitong Linggo ng tanghali.

Ayon sa ulat ng Daily Tribune, natunton ang lalaki sa Binondo. Makikita sa ibinahaginglitrato sa Twitter na nakasuot ng full personal protection gear ang mga otoridad na nagsundo sa tumakas na pasyente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng taong tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, minabuti ng pamahalaan na isailalim sa enhanced community quarantine ang iba't-ibang lugar sa bansa na may mataas na kaso.

Ilan sa mga paalala ng Kagawaran ng Kalusugan upang maiwasang mahawaan ng coronavirus ay ang palaging paghuhugas ng kamay, pagsunod sa social distancig at higit sa lahat ay ang manatili sa oob ng bahay kung wala namang mahalagang gagawin sa labas.

Matatandaang unang lumabas ang balita tungkol sa COVID-19 na dating kilala bilang NCOV nitong Enero sa WUhan, China. Mabilis itong kumalat sa maraming bahagi ng mundo kabilang na sa Pilipinas. Itinuturing na isa nang pandemya ang COVID-19 dahil sa dami ng taong naapektuhan nito sa buong undo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel