Mayor Toby Tiangco ng Navotas, ibinunyag ang ilang nahuling nandaya sa programang SAP

Mayor Toby Tiangco ng Navotas, ibinunyag ang ilang nahuling nandaya sa programang SAP

- Hindi pinalampas ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga nandaya sa pag-fill out ng SAP form

- Ibinahagi niya sa social media ang dalawang form ng mag-asawa gayong dapat ay isa lamang sa bawat pamilya ang mag-fi-fill out sa SAP form

- Pinangalanan din niya ang nasabing mag-asawa at nagbantang i-po-post ang iba pang matuklasan niyang dalawa ang na fill up na form

- Hinimok niya ang mga opisyal ng mga baranggay na suriing mabuti ang mga nag-fi-fill up ng form

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinuking ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga nandaya sa pag-fill out ng SAP form. Sa kanyang ibinahaging litrato ng na SAP form, pinangalanan niya ang nabuking na nandaya.

Narito ang kanyang mensahe:

programang SAP. Simulan natin kina Honorato Ramos Vicente at Sonia Hicap Vicente. Mag-asawa. Parehong nag fill up ng form. Isa nakatira daw sa San Rafael Village. Isa nakatira daw sa Tanza. Manloloko. Alam naman na 1 form bawat pamilya, tapos nag fill up ng dalawang form. Kaya pala pati form nagkulang at yung iba ay walang natangap na form. Ang balita ko po ay itong si Honarato Vicente ay Barangay Administrator ng Barangay San Rafael Village. Isipin niyo imbes na paglingkuran ang tao, siya pa mismo ang nanloloko at nananamantala.

Inudyukan din niya ang mga opisyales ng baranggay na maging mapanuri sa mga forms kagaya ng SAP.

Sa mga Barangay Officials, I-check niyo mabuti ang listahan at ipagbigay alam sa CSWDO ang mga hindi dapat kasama sa SAP.

Sa mga mamayan na nakapag fill-in ng dalawa o higit pang SAP form sa isang household, nagbanta ang alkalde na ibubunyag niya ang mga ito lalo kung hindi sila umamin sa mga otoridad.

Sa mga iba pang nag fill up ng dalawang form, sumulat na kayo sa CSWD at umamin sa inyong pagkakamali. Pag nauna kong makuha ang mga SAC form ninyo ay i-post ko dito at papakasuhan ko kayo.

Alam kong lahat ay nahihirapan sa sitwasyon, pero tulad ng sinabi ko, hindi lang gobyerno ang niloloko niyo kundi pati kapwa ninyong mas nangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa mga iba pang hindi nag deklara ng tama sa SAC form, wag niyo na pong pahirapan ang kawani ng ating CSWD na maghanap ng mga pangalan ninyo, imbes na sila ay namimigay ng relief goods at nagdidistribute ng Social Amelioration ay naghahanap sila ng mga pangalan ninyo. Nakikiusap po ako sa inyo na magkusang loob na kayo na paalam sa CSWD ang inyong pangalan, para mabigay ang Social Amelioration sa mas nangangailangan. Kapag nag kusang loob kayo, ito ay manantiling confidential.

Duon sa mga nagbalik ng natangap nilang P8,000 dahil naisip nila na hindi sila dapat tumangap, maraming salamat.

Magtulungan po tayong lahat para ang mag benepisyo sa SAP ay yung talagang nangangailangan at qualified sa programming ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel