Babae, naiyak sa paghahanap ng masasakyan upang maikuha ng damit ang amang isinugod sa ospital

Babae, naiyak sa paghahanap ng masasakyan upang maikuha ng damit ang amang isinugod sa ospital

- Isang babae ang emosyonal na nanghingi ng tulong mula sa mga dumadaan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City

- Nais niyang makahingi ng tulong upang makauwi sa kanila sa Montalban, Rizal

- Ito ay upang maikuha ng mga gamit ang kanyang amang isinugod sa ospital dahil sa high blood pressure

- Sa kasalukuyang ipinapatupad na enhanced community quarantine, ipinagbabawal ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mangiyak-ngiyak ang isang babaeng nanghihingi ng saklolo upang makauwi sa Montalban, Rizal. Ito ay para ikuha ng malinis na damit ang kanyang amang isinugod sa pagamutan dahil sa high blood pressure.

Sa litratong ibinahagi sa Facebook Page ng Daily Tribune, makikita ang babae na emosyonal. Gayunpaman, hindi malinaw kung natulungan ang babae.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita sa litrato na tila naihatid siya sa kanila. Bumuhos naman ang simpatya mula sa mga netizens na naantig sa kanang sitwasyon.

Nakakalungkot man pero malamang madami ang hindi siya pasasakayin. Mahirap na lalo pa’t may Covid.
Base sa mga pics ni ate muka naman nakauwi sya dahil nag-iba na paligid nya at maayos na sya sa last pic nya. Kumakaway pa sya sa tumulong sa kanya.
Flexible nman dapat ang mga otoridad.There is always exception to the rules.

Sa kasalukuyang ipinapatupad na enhanced community quarantine, isa ang transportasyon sa matinding suliranin ng mga tao. Matatandaang isinuspinde ang pagbyahe ng pampublikong sasakyan upang mapigilan ang paglabas ng mga tao na maaring makapagpabilis ng pagkalat ng COVID-19

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel