Sina "Wacky" at "ChiChi": Asong frontliners, kinagigiliwan at hinangaan ng publiko

Sina "Wacky" at "ChiChi": Asong frontliners, kinagigiliwan at hinangaan ng publiko

- Hinahangaan din ang mga asong frontliners na tumutulong sa iba't ibang barangay sa Metro Manila

- Suot ang kanilang ID, sumasama sila sa mga bantay ng barangay na umiikot upang masigurong walang mamamayan ang lumalabas pa ng kanilang mga tahanan nang walang mahalagang dahilan

- Ang iba ay tinatawag din silang barangay police dog dahil nangangalaga sila sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan

- Naghahatid din sila ng kasiyahan sa lahat ng nakakakita sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin sa social media ang mga larawan ng asong frontliners na tumutulong sa pagbabantay ng iba't ibang barangay sa Kamaynilaan.

Suot ang kanilang mga ID, kinikilala rin silang mga frontliners sa pagbibigay serbisyo nila laban sa COVID-19.

Binahagi ng netizen na si Jake Ryan Diasanta Ramos ang larawan sa isa sa mga asong frontliners na si ChiChi.

Kwento ni Jake, Police Dog na maituturing si ChiChi na kasa-kasama ng mga taga-barangay Barangay 379 Zone 38 sa Maynila.

Sa kanyang dog collar, nakasabit ang kanyang ID bilang patunay na isa siya sa mga bantay ng kanilang barangay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang isa naman ay si Wacky na mula naman sa Pasay City.

Tulad ni ChiChi, kasama-kasama rin si Wacky ng mga bantay ng barangay Barangay 132 M. Dela Cruz sa Pasay.

Alaga siya ng volunteer worker sa kanila na si Perlita Hermanos Saldo.

Nagbabantay din ito sa kanilang lugar at sinisigurong walang pasaway na lumalabas pa ng kanilang bahay na wala namang mahalagang dahilan.

Nakasama rin si Wacky sa pamimigay ng relief goods sa kanilang barangay.

Minsan kinakitaan din siyang nakasuot ng facemask.

Nakadaragdag din daw umano ng kasiyahan at sigla ang mga asong ito kapag nakikita na itong kasa-kasama ng mga taga-barangay.

Hinahangaan din sila dahil sa tulong at serbisyong naibibigay nila sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain.

Helping Hand: Bata Pa Lang Mapagbigay Na | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel