Dating sundalong si Army Corporal Winston Ragos, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani

Dating sundalong si Army Corporal Winston Ragos, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani

- Inilibing na ang dating sundalong si Army Corporal Winston Ragos ngayong Linggo sa Libingan ng mga Bayani

- Binigyan pugay ng Philippine Army ang dating sundalo sa kanyang matapat na paglingkod lalo na noong maganap ang Marawi Seige

- Bakas ang pagdadalamhati sa mga naiwang kaanak ng sundalo kabilang na ang kanyang anak at ina

- Matatandaang nabaril si Ragos sa isang checkpoint ng isang pulis sa paniniwalang may dalang armas ang dating sundalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihatid na huling hantingan ang dating sundalong si Army Corporal Winston Ragos. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani ngayong Linggo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, binigyan ng 21-gun salute si Ragos na nagsilbi bilang sundalo. Bakas ang paghihinagpis ng mga kaanak niya.

Umalma ang ilang kaanak ng dating sundalong si Winston Ragos sa pahayag ng pulisya na self-defense ang dahilan ng pagkakabaril sa kanya. Ayon sa pahayag ng pulisya, dinepensahan lang ng nasangkot na pulis ang kaniyang sarili sa paniniwalang may hawak na armas si Ragos.

Gayunpaman, hindi ito katanggap-tanggap sa naiwang kaanak ng sundalo.

"Paano magiging self-defense 'yon. Ang self-defense 'yung sinasaktan. Nananakit ba siya?" pahayag ng kapatid ng sundalo.

Maalalang naging mainit na usapin ang video ng pamamaril sa dating sundalo sa Barangay Pasong Putik.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabigyan ng disability discharge si Ragos dahil sa pagkakaroon niya ng post-traumatic stress disorder matapos magsilbi sa gitna ng Marawi siege ayon sa Philippine Army. Ayon sa panayam ng ABS_CBN news kay PNP Joint Task Force Corona Virus chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar, naniniwala siyang "self-defense" at judgment call ng pulisya ang nangyaring pamamaril.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel