Pagbawi sa mga food packs na inihatid, sapol sa CCTV footage

Pagbawi sa mga food packs na inihatid, sapol sa CCTV footage

- Usap-usapan ngayon sa social media ang isang CCTV footage na nagpapakita ng pamimigay ng food packs sa mga bahay

- Kagaya sa mga nakaugalian na, iniiwan na lamang ang mga pinamimigay na tulong sa monoblock chair na nilalagay ng mga may-ari ng bahay

- Kinuhanan din nila ng litrato ang mga food packs na kanilang inilagay sa mga upuan sa labas ng bawat bahay

- Gayunpaman, kita sa nasabing viral na video na kinuha din ng mga naghatid ang mga food packs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral na sa social media ang isang CCTV footage na nagpapakita ng paghahatid ng mga food packs sa ilang kabahayan. Inilapag ng mga naghatid ang nakasupot na ayuda sa mga upuan na inilalagay sa labas ng mga bahay upang masunod ang social distancing.

Ayon sa post na ibinahagi ng Facebook Page na Philippines CCTV & DASH CAM Spotted, ang video ay mula kay Alfredo Rodil at kuha umano ito sa Barangay Pag-ibig sa Nayon sa Quezon City.

Makikitang kinuhanan ng litrato ang nakalapag na food packs pero binawi din nila ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang nasabing video at umabot na sa mahigit 1,700 shares sa Facebook. Kinondena ng mga netizens ang naging aksiyon ng mga naghatid ng food packs.

Dahil sa kasalukuyang ipinapatupad na enhanced community quarantine, marami ang nawalan ng trabaho kaya ang ayuda mula sa pamahalaan ang inaasahan. Bukod sa pagkain, mayroon ding cash assistance mula DSWD, ang Social Amelioraton Program.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel