Angel Locsin,135 hospitals ang natulunagan at nakalikom ng P11.35 million

Angel Locsin,135 hospitals ang natulunagan at nakalikom ng P11.35 million

- Matapos ang isang buwan mula nang tumulong si Angel Locsin at ang kanyang team sa COVID-19 relief campaign, 135 na ospital ang natulungan nila

- Nakalikom din ng P11.35 million sa loob ng 19 na araw ang kanilang grupo na itinulong nila sa pagpapatayo ng tent at pagbibigay ng mga PPE

- Pinasalamatan ng aktres ang lahat ng sponsors at mga kaibigang tumulong upang maging matagumpay ang UniTENTweStandPH campaign

- Inilunsad ang UniTENTweStandPH campaign upang masolusyunan ang problema ng mga ospital sa kakulangan ng mga hospital beds at lugar para sa mga pasyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinasalamatan ni Angel Locsin ang lahat ng tumulong sa inilunsad nilang UniTENTweStandPH campaign upang tumulong sa problema ng mga ospital sa kakulangan sa lugar at hospital beds para sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Matapos ang isang buwan, nakalikom ng P11.35 milyon ang kanilang grupo at nakapagpatayo ng 246 na tents kung saan 225 ang nagsilbing isolation tents at 21 ang sanitation tents na may kasamang misting machine.

Pinasalamatan ng aktres ang lahat ng donors pati na ang kanyang fiance at mga kaibigang tumulong upang maging matagumpay ang kanilang proyekto.Layon nito na matugunan ang overcrowded na mga pagamutan at kakulangan ng pasilidad upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbigay pugay at nagpasalamat din si Angel sa mga frontliners na patuloy na nagbibigay ng kanilang serbisyo sa kabila ng panganib at pagod.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel