Bagong panganak na misis na tinanggihan di umano ng anim na ospital, pumanaw

Bagong panganak na misis na tinanggihan di umano ng anim na ospital, pumanaw

- Labis na nagdadalamhati ang pamilya ng isang ginang na binawian ng buhay sa paghahanap ng ospital na tatanggap sa kanya

- Nagkaroon ito ng komplikasyon sa panganganak sa kanilang bahay kung saan isang kumadrona lamang ang ang paanak sa kanya

- Agad namang rumesponde ang barangay na nagpahiram ng sasakyan upang madala sa ospital ang ginang

- Anim na ospital sa loob ng anim na oras na paghahanap ang di umano'y tumanggi sa ginana hanggang sa kalaunan ay binawian na ito ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw ang isang bagong panganak na ginang na nakilalang si Cathy Bulatao matapos ang ilang oras na paghahanap ng ospital na tatanggap sa kanya.

Base sa panayam ng ABS-CBN news sa mister ni Cathy na si Jan Christian Bulatao, nanganak ang kanyang misis bandang alas-tres ng hapon nitong Abril 24 sa kanilang tahanan sa Caloocan sa tulong ng isang kumadrona.

Subalit dahil nagkaroon ng komplikasyon, kinakailangang madala sa ospital si Cathy.

Agad namang nakapagpahiram ng sasakyan ang kanilang barangay at sinamahan ang mag-asawa sa ospital.

Ngunit sa kasamaang palad, anim na ospital daw di umano ang tumanggi sa kanila.

Karamihan daw sa rason ng mga ito ay pawang may mga COVID-19 patients sila na maaring makahawa sa bagong panganak.

Ang iba ay wala na raw bakanteng kwarto para sa ginang habang ang isang ospital naman daw ay nanghingi umano ng deposito.

Nang nakahanap na sana sila ng ospital na titingin sa ginang, binawian naman na ito ng buhay.

Hindi maiwasang maghinanakit ng pamilya ni Cathy lalo na ang ina at asawa nito na labis na nanghihinayang sa oras na itinagal umano nila sa paghahanap ng ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang pahayag ni Assistant Health Secretary Maria Rosario Vergeire, nasabi nitong ang lahat umano ng ospital at health care facilities ay nararapat pa ring tumanggap ng mga pasyenteng nangngailangan ng essential health care services base na rin sa isang DOH circula.

Hindi nalalayo ang kasong ito sa naunang ulat ng KAMI kung saan isang mister din ang hindi naiwasang maghinanakit matapos na tanggihan ng walong ospital ang kanyang misis na nagreklamo ng pananakit ng tiyan.

Sa panayam naman sa presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na si Dr. Rustico Jimenez, maaring ang rason ng pagtanggi ng ilang mga ospital ay ang kawalan na ng kwartong maaring mapaglagakan ng pasyente at posible pa itong mahawa sa mga pasilidad na may pasyenteng positibo sa COVID-19.

Aminado rin silang kinukulan na sila ng mga kagamitan tulad ng mga personal protective equipment o PPE na labis na kailangan ngayon bilang proteksyon ng ating frontliners sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain.

Helping Hand: Bata Pa Lang Mapagbigay Na | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel