Pamilya ng nasawing dating sundalo, umalma sa pahayag na ‘self-defense’ ang ginawa ng pulis

Pamilya ng nasawing dating sundalo, umalma sa pahayag na ‘self-defense’ ang ginawa ng pulis

- Umalma ang kaanak ng nasawing dating sundalo na si WInston Rayos na self defense umano ang nangyari kung bakit sya nabaril

- Ito ay matapos dipensahan ng pulisya ang pulis na nakabaril kay Ragos sa paniniwalang armado ito

- Kinumpirma ng Philippine Army na may post-traumatic stress disorder si Ragos matapos magsilbi sa gitna ng Marawi siege

- Binigyan ng full military honors si Ragos, na nakatakdang ilibing sa Linggo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umalma ang ilang kaanak ng dating sundalong si Winston Ragos sa pahayag ng pulisya na self-defense ang dahilan ng pagkakabaril sa kanya. Ayon sa pahayag ng pulisya, dinepensahan lang ng nasangkot na pulis ang kaniyang sarili sa paniniwalang may hawak na armas si Ragos.

Gayunpaman, hindi ito katanggap-tanggap sa naiwang kaanak ng sundalo.

"Paano magiging self-defense 'yon. Ang self-defense 'yung sinasaktan. Nananakit ba siya?" pahayag ng kapatid ng sundalo.

Maalalang naging mainit na usapin ang video ng pamamaril sa dating sundalo sa Barangay Pasong Putik.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa mga pulis, pinagbantaan at sinigawan umano sila ni Ragos at tumangging umuwi; sinabi rin nilang nakakita sila ng baril sa bag nito.

Nabigyan ng disability discharge si Ragos dahil sa pagkakaroon niya ng post-traumatic stress disorder matapos magsilbi sa gitna ng Marawi siege ayon sa Philippine Army.

Ayon sa panayam ng ABS_CBN news kay PNP Joint Task Force Corona Virus chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar, naniniwala siyang "self-defense" at judgment call ng pulisya ang nangyaring pamamaril.

Nakatakdaang ilibing si Ragos ngayong Linggo at binigyan din siya ng seremonya sa Libingan ng Mga Bayani.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel