44 Chinese timbog sa isang raid ng illegal POGO operation sa Parañaque

44 Chinese timbog sa isang raid ng illegal POGO operation sa Parañaque

- Arestado ang 53 katao na umano ay sangkot sa pagpapatakbo ng Philippine offshore gaming operations (POGO) sa Parañaque City

- Ito ay sa gitna ng pinapairal na enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang lalawigan sa bansa

- 44 sa naaresto ay napag-alamang Chinese nationals at 9 Pinoy ang inaresto, ayon sa Parañaque police

- Kabilang sa nasabat sa nasabing raid ay limang baril at P1.3-M cash

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalaboso ang 53 katao sa Parañaque City na kinabibilangan ng 44 Chinese at 9 na Pinoy. Kabilang sa nasakote ng otoridad sa bahay ay limang baril at P1.3-M cash.

Naganap ang raid nitong Biyernes. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Parañaque Police chief Col. Robin King Sarmiento na nagpapatrol ang mga pulis nang may magsumbong sa kanila ukol sa grupo ng mga lalaki na may dala umanong baril.

Huli ang ilang tao sa labas ng bahay at iba pang nagsitakbuhan papasok ng bahay nang makita ang mga otoridad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang Chinese nationals ang umano'y nagpapatakbo sa Philippine offshore gaming operations (POGO) sa isang bahay sa NAIA Road.

Wala sa listahan ng pulisya ang kompanyang nasa dokumentong kanilang iprinisenta.

Hinuli lahat ng mga tao sa sinasabing illegal POGO office at kinumpiska na rin ang nasa 36 na laptop at 17 desktop computer.

Kinakaharap ng mga arestado ang patong-patong na kaso kabilang na ang ang pag-operate ng ilegal na POGO, pagdala ng baril at pagtitipon sa labas ng bahay kahit naka-enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel