31 sa 40 na RITM personnel na nagpositibo sa COVID-19, naka-recover

31 sa 40 na RITM personnel na nagpositibo sa COVID-19, naka-recover

- Naka-recover na ang nasa 40 na empleyado ng RITM na tinamaan ng COVID-19

- Kinumpirma mismo ito ni Health spokesperson Ma. Rosario Vergeire

- nakabalik na rin sa trabaho ang 31 na gumaling na ito

- Nilinaw din ni Vergeire na hindi sa pagproseso ng samples nakuha ng mga empleyado ang virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

31 sa 40 na Research Institute for Tropical Medicine staff na tinamaan ng COVID-19 ay gumaling na at nakabalik na sa trabaho.

Kinumpirma ito ni Health spokesperson Ma. Rosario Vergeire sa panayam sa kanya ng CNN Philippines.

Dalawang resulta na ng test kung saan nagpapakitang nag-negatibo na ang mga empleyado ang nailabas kaya naman kumpirmadong napaglabanan nga nila ang kinatatakutang virus.

Hinihintay pa umano ang resulta ng siyam pang mga empleyadong at umaasa silang negatibo na rin ito sa COVID-19.

Nilinaw din ni Vergeire na hindi umano nakuha ng mga empleyadong ito ang virus sa pagproseso ng samples na dinadala sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinasabing isa sa mga kasamahan nila ang umuuwi at pagbalik nito ay infected na pala siya ng virus, Iyon ang nakikita nilang dahilan kung bakit nagkahawahan ang mga ito.

Ayon naman sa ulat ng Manila Bulletin, ang mga empleyadong ito ay kasalukuyang nasa dormitoryo ng RITM.

Matatandaang ito lamang isang linggo, ibinalita ang pagkakaroon ng COVID-19 ng 40 empleyadong ito dahilan kung bakit naantala ang pagtanggap nila ng samples upang ma-test mula sa ibang probinsya.

Kaya naman ngayong gumaling na ang 31 sa kanila, sasabak na naman muli sila sa laban kontra COVID-19.

Sa huling tala ng Department of Health, 102 na karadagang mga kaso ang naitala na bumuo sa kasalukuyang bilang na 7,294. 30 ang kumpirmadong mga naka-recover at 17 naman ang pumanaw ngayong araw, Abril 25.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain.

Helping Hand: Bata Pa Lang Mapagbigay Na | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel