PRRD, pabor sa ‘Balik Probinsya’ program ni Senator Bong Go

PRRD, pabor sa ‘Balik Probinsya’ program ni Senator Bong Go

- Suportado ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ‘Balik Probinsya’ program ni Senator Bong Go

- Ito ay upang tuluyan nang lumuwag ang Metro Manila sakaling matapos na ang enhanced community quarantine

- Ayon sa Senador, bibigyan ng insentibo at pangkabuhayan ang mga Pilipino na magbabalik sa kani-kanilang probinsya

- Matatandaang inanunsiyo ng pangulo ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine hanggang May 15

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang "Balik Probinsya" program ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.

Ang programa ay naglalayong mabigyang solusyon ang malaking populasyon sa Metro Manila kung saan maraming establisyemento ang naka base na nangangahulugan ng maraming trabaho.

Bukod pa dito, nauna nang iniinda ng ilang taga probinsiya ang kaibahan ng sahod sa Metro Manila at sa probinsiya kung saan may tinatawag na "provincial rate."

Ayon sa Senador, sa kanyang panukalang programa, bibigyan ng insentibo at pangkabuhayan ang mga Pilipino na magbabalik sa kani-kanilang probinsya kapag naalis na ang enhanced community quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naging madali ang pagharap sa problema sa pagbibigay ayuda sa mga taong naapektuhan ng quarantine lalo na sa Maynila kung saan siksikan ang mga tao.

“Maganda iyan, Bong. Go home to the province. They have the means of going back and there is a promise. What’s important is we give them hope,” wika ng Pangulo.

Ang enhanced community quarantine ay ipinatupad upang mapigilan ang lalong paglaganap ng COVID-19 sa bansa. Matatandaang inanunsyo ng pangulo ang pagpapalawig ng ECQ hanggang May 15.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel