Di napagil ng ECQ: Kasalang gamit ang "Zoom", nagpa-wow sa netizens

Di napagil ng ECQ: Kasalang gamit ang "Zoom", nagpa-wow sa netizens

- Viral ang naging kasalan nina Coby Sarreal at Vianka Amurao na ginanap online

- Kahit pa naka-enhanced community quarantine ang Luzon, nakaisip ng ibang paraan upang ikasal ang dalawa

- Maging ang kani-kanilang mga bisita ay nag-ayos na animo'y dadalo nga sa isang kasalan kahit na nasa bahay

- Naisipan daw ito ng dalawa kahit ito ang panahon na maraming oras ang mga tao at makasisiguro pa silang ligtas ang kani-kanilang mga bisita na nasa kani-kanilang mga tahanan lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang kasalan nina Vianka Amurao at Coby Sarreal na kanilang isinagawa gamit ang Zoom.

Nalaman ng KAMI na limang araw lamang ang kanilang ginawang preparasyon at lahat ng kanilang mga kakailanganin sa "online kasalan" na ito ay pawang mula sa Grab at Lalamove.

Sa panayam sa kanila ng GMA news, Nobyembre ngayong taon pa sana ang kanilang pag-iisang dibdib sa Sagada.

Ngunit bunsod ng sitwasyon ngayon dala ng COVID-10 kung saan tila wala pang kasiguraduhan ang lahat, naisipan nila itong gawin habang naka-enhanced community quarantine ang lahat.

Kwento ng bride, tila naging isang magandang ideya raw ito lalo na at maraming oras ang mga tao ngayon na nasa kani-kanilang tahanan lamang.

Pinaghandaan pa rin nila ang kasal at tila nagkaroon pa sila ng rehearsal isang araw bago ito ganapin upang masiguro na maayos ang internet connection ng bawat bisita at ng kanilang abay.

Nakaayos at nakadamit na animo'y dadalo talaga ng kasalan maging ang kanilang mga bisita at naghanda rin umano ang mga ito ng wine glass bilang bahagi ng seremonya.

Naka-gown pa rin si Vianka at naka-suit din naman ang groom na si Coby.

"It’s something that we want to show to our future kids, how love prevails so we were really excited for it. The event is like a breath of fresh air, so our guests are all looking forward to dress up and attend too," pahayag ni Vianka sa panayam naman sa kanya ni Jervis Manahan ng ABS-CBN.

Plano pa rin naman nilang magpakasal sa oras na maging maayos na ang lahat.

Ang Zoom ay isang video conferencing app na mas lalong naging patok ngayon lalo na at ang karamihan ng tao ngayon sa mundo ay naka-quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain.

Helping Hand: Bata Pa Lang Mapagbigay Na | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel