Nahuling 'hard lockdown' violators sa Sampaloc, umabot na sa 152

Nahuling 'hard lockdown' violators sa Sampaloc, umabot na sa 152

- Umabot na sa 152 katao ang nahuling lumabag sa patakarang pinairal sa "hard lockdown" sa Sampaloc, Manila

- Ilan umano sa mga nahuli ay lasing at dinala sa basketball court ng nasabing distrito

- Sa kabila ng mataas na bilang ng nahuling violators, marami pa rin ang sumunod sa mga ipinatutupad na ordinansa sa ilalim ng "hard lockdown"

- Ang Sampaloc ang isa sa may pinakamataas na bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang 48 oras na hard lockdown sa Sampaloc, Manila, 152 ang nahuling violators. Ayon kay Sampaloc Police Station 4 commander Police Lt. Col. John Guiagui, mayroon pa ring hindi nabahala at matigas pa rin ang ulo.

“Hindi ko rin mawari. Alam nila may ‘hard lockdown.’ Pero ang titigas pa rin ng ulo,” aniya sa isang panyam ng radio DZMM

Ilan sa mga nahuli ay lasing at dinala sa basketball court ng nasabing Distrito.

“Ang ginagawa natin aside sa panghuhuli is we have lectures about COVID-19 kung bakit kailangan nilang sumunod at manatili sa bahay para paglabas nila they will become ambassadors sa kanilang lugar,” dagdag pa ni Lt. Col. Guiagui.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naniniwala siyang mas marami ang sumunod at tumino.

“Mayroon pa ring makukulit, pero at least tumino as compared to the enhanced community quarantine na na-impose sa Sampaloc,” aniya.

Matatandaang sinimulan ang lockdown noong Huwebes ng alas 8:00 ng gabi at natapos ngayong alas 8:00 ng gabi ng Sabado. Makakalabas na muli ang mga residente ngayong Linggo ng alas 5:00 ng umaga dahil sa ipinapatupad na curfew.

Sa 571 na naiulat na kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila, 113 ang kumpirmadong kaso at 161 ang suspected cases na nagmula sa Sampaloc.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel